in

Mula Enero 30 karagdagang 80 € hanggang 200 € para sa issuance ng mga permit to stay!

Labag man sa kalooban ng mga migrante ay dapat itong bayaran sa tuwing hihiling ng issuance o renewal ng mga permit to stay. Ipapatupad mula Enero 30, para sa mga gastusin sa expulsions at upang magpatuloy ang mga aktibidad ng Sportello Unico per Immigrazione.

altRome – Mapait ang pagpasok ng taong 2012 para sa mga dayuhan sa Italya. Bukod sa mga karagdagang bayarin at buwis kasama ng mga Italians hatid ng kasalukuyang krisis, ay haharapin ng mga migrante sa Italya ang isang bagong buwis sa tuwing hihiling ng issuance o renewal ng permit to stay.

Ito ay nilalaman nà ng Security law taong 2009 ngunit nanatiling papel lamang, marahil sa pagsasaalang-alang ng isang mahusay na serbisyo. Ngunit ngayon ay isa ng ganap na batas, dahil pinirmahan noong nakaraang Oktubre  ng dating ministro Roberto Maroni at ng ministro sa Ekonomiya, Giulio Tremonti at inilathala noong nakaraang Disyembre 31 sa Opisyal na pahayagan.

Ang halaga ng "kontribusyon para sa issuance at renewal ng permit to stay" ay nag-iiba depende sa validity ng nasabing permit: 80 € kung ito ay may validity sa pagitan ng tatlong buwan at isang taon, € 100 kung ito ay higit sa isang taon at mas mababa o hanggang dalawang taon, € 200 para sa kilalang "carta di soggiorno". Ang mga halagang ito ay idadagdag sa € 27.50 para sa issuance ng electronic permit to stay at sa 30 € bayad sa serbisyo ng Post Office.

Ang bagong buwis ay hindi ipapatupad sa mga permit to stay ng mga menor de edad, kabilang ang dumating sa pamamagitan ng family reunification. Hindi rin sakop ng bagong buwis na ito ang mga dayuhang dumating sa bansa upang magpagamot, gayun din ang kanilang mga tagapag-alaga, ang mga humihiling ng asylum, subsidiary protection o humanitarian permit. Hindi rin ito sumasaklaw sa sinumang hihiling ng update o conversion ng mga balidong permit.  

Ano ang naman ang gagawin sa halagang ito? Kalahati ng bagong kita ay upang pondohan ang "Pondo sa pagpapabalik sa sariling bayan (o Fondo Rimpatri)", at bilang resulta ang mga regular na migrante ang gagastos sa pagpapatalsik sa mga ilegal na migrante, at ang kalahati naman ay mapupunta sa Ministry of Interior para sa mga gastusing may kinalaman sa pampublikong kaayusan at kaligtasan, upang pondohan ang Sportello Unico per Immigrazione at sa pagpapatupad ng Integration agreement.

Lahat ng ito ay magsisimula mula Enero 30. Kaya’t ang sinumang may permit to stay at nalalapit na ang expiration nito ay pinapayuhang mag-renew bago sumapit ang petsang ito upang maiwasan ang mabigat na bayaring ito.

Ang Dekreto

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Napolitano: Isang emerhensya ang integrasyon ng mga anak ng mga migrante

Pacman, naninimbang sa pagbabalik sa ring sa Mayo!