in

Mula sa Inps, paglilinaw ukol sa kontribusyon

Paglilinaw ukol sa Uniemens at DMAG para sa mga kumpanya. Ang pagbe-verify ng mga kontribusyon (DURC) ay para lamang sa mga manggagawa na ire-regularized.

Roma – Oktubre 2, 2012 – Habang mabagal ang galaw ng regularization (40,000 aplikasyon sa loob ng dalawang linggo), ay kumilos ang Inps at ipinaliwanag kung paano ang mga kumpanya ay maaaring magbayad ng kontribusyon para sa mga worker na kanilang inire-regularized.

Isang circular ang kumalat noong nakaraang Biyernes ang nagbibigay ng iba't ibang indikasyon ukol sa pagsagot at pagsusumite ng mga Uniemens declaration mula sa mga kumpanya. Ayon dito, ang worker ay dapat na nagtataglay ng codice fiscale o fiscal code batay sa personal datas nito at ia-update na lamang pagkatapos ng regularization, kapag nagbigay na ng opisyal na fiscal code ang Agenzia dell’Entrate.

Ang iba pang mga tagubilin ay para sa mga agricultural company, na dapat ipadala sa mga workers ang trimestral DMAG declaration. Ang mga resibo ng nasabing deklarasyon ay dapat na i-print at ipakita sa Sportello Unico per l’Immigrazione sa araw ng appointment upang kumpletuhin ang proseso ng regularization.

Kabilang sa mga detalye buhat sa INPS, at napaka-halaga ay ang pagbe-verify kung regular ang mga kontribusyon ng kumpanya. Ang institusyon ay ipinaliwanag na ito ay “isang pagsusuring limitado lamang sa pagiging regular ng mga kontribusyon at social obligations” na nakalaan sa procedures ng regularizations.

Ito ay maituturing na isang pagbawi, at higit sa isang paglilinaw. Sa isang Circular noong Sept 14, sa katunayan, ang Inps ay sinabing ang pagiging regular sa kontribusyon (sa pamamagitan ng DURC) ay sumsaklaw sa lahat ng workers ng kumpanya, at hindi ng mga workers na ire-regularized.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy stalker, inaresto

“Walang extension ang Regularization” – Riccardi