in

Mula shop ng mga bisikleta hanggang sa typical restaurant, 400 ideya para sa Start it up

Ang magandang resulta ng proyekto ng Unioncamere at ng Ministry of Labor upang suportahan ang mga imigranteng nagnanais maging negosyante. Guerra: “Sila ay yaman para sa paglago at pag-unlad." Dardanello: "Upang i-promote ang integrasyon sa pamamagitan ng enterprise at ng merkado"

Roma – Nobyembre 14, 2012 – Si Cesar Avelino Torres Meja, na nais magbukas ng isang Peruvian restaurant sa Ancona, kung saan ay magkakaroon din ng mga pagtatanghal ng musika at sayaw o kung saan maaaring bumili ng kanilang local product. O si Lorana Marai Cuentas Monsalve, dumating mula sa Colombia sa Milan, ang center of fashion upang i-promote ang kanyang sariling creation ng mga sapatos, bag at accessories. Ang negosyo na nais ni Abdelaziz El Aich, Moroccan mula Bergamo, ang koleksyon ng langis na ginamit sa pagluluto ng mga pamilya sa kusina. Si Mohammed Fuad Abdulla dumating sa Lampedusa mula Ghana isang taon at kalahati ang nakalipas at ngayon ay nais magbukas ng isang shop sa Bari na kukumpuni ng mga bisikleta.

Apat na kuwento, apat na mga ideya, pinili mula sa 492 mga imigrante na lumapit sa mga windows ng Camere di Commercio na naniwala sa “Start it up. Bagong negosyo para sa mga dayuhan”. Isang proyekto upang tugunan ang professional growth at magbigay ng mga pangunahingpagsasanay para sa Start it up ng kumpanya o bilang self –employed ng mga non-EU nationals na regular sa residente sa Italya.

Nagsimula kalagitnaan noong nakaraang taon, pinondohan ng Ministry of Labor at Social Affairs at sa pakikipagtulungan ng Unioncamere, kasama ang sampung Chambers of Commerce – Ancona, Bari, Bergamo, Catania, Milan, Rome, Turin, Verona, Vicenza at Udine. At ngayon ay magtatapos na mayroong magandang resulta: 434 imigrante ang mga lumahok sa orientation program, formation at assistance mula sa Chamnbers at 409 naman ang mga imigrante na gumawa ng tunay na business plan para sa pagbubukas ng bagong negosyo.

Ang mga ito ay karagdagan sa malaking bilang sa kasalukyan ng mga kumpanya ng mga imigrante, na ayon sa mga huling ulat ay umabot ng 364,000, ang 6 % ng kabuuan at sa third trimester noong 2012 at tumaas ng 7 beses sa average rate na naitala ng mga Italian companies. Ang identikit ng mga imigrante na nagmimithing maging negosyante na natuklasan ng Start it up, ay karaniwang mga kabataan at mataas ang pinag-aralan, ng parehong kasarian at karaniwang buhat sa Africa at Latin America. Kakaunti, sa halip, ang mga lumahok na mga imigrante buhat sa Europa (hindi kabilang sa EU) at Asya.

Sa pananalita ni Undersecretary Cecilia Guerra ng Ministry of Labor sa pagtatapos ng proyekto ay binigyang-diin na “sa panahon ng krisis sa ekonomiya ay mahalagang pag-isipang mabuti kung paano pahahalagahan ang human resources na mahalagang aspeto sa paglago at pag-unlad ng sosyedad. Ang mga imigrante, lalong higit ang mga walang trabaho o ang mga overqualified, ay naglalarawan ng isang yamang di pinakikinabangan na isang pagsasayang sa human capital, bukod sa pinsala sa kanilang personal na sitwasyon, lalong higit sa pag-unlad sa kondisyon ng buong host society ".

Ang Pangulo ng Unioncamere, Ferruccio Dardanello, ay ipinaalala na "ang promosyon at suporta sa entrepreneurship ay kabilang sa mga pangunahing layunin ng Chamber System ", isang layuning inakap din ng Start it up “na lalong pagyamanin ang pagkakaisa sa lipunan, sa pamamagitan ng promosyon ng integrasyon ng mga imigrante sa pamamagitan ng kumpanya at merkado. Mayroong malakas na pagnanasa sa entrepreneurship mula sa sinumang dumating sa Italya, ngunit ito ay dapat samahan ng tumpak na mga serbisyo upang magresulta ng mga kumpanyang may kakayahang manatili sa merkado at maging aktibong bahagi ng civil society”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanatoria – Nob 16, deadling ng mga kumpanya sa pagbabayad ng arretrate

Puerto Princesa Undergroud River, kabilang sa Ramsar wetlands