in

Naples: Para sa mga imigrante, parehong karapatan tulad sa mga Italians

“Kami ay naghahanda ng isang resolution na magbibigay ng parehong karapatan na ibinibigay sa mamamayang  Italyano sa lahat ng mga ipinanganak sa ating lungsod”

altRome, Hunyo 4, 2012 – Honorary citizenship sa mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Naples, ito ay hindi lamang isang pangako ngunit kami ay nagtatrabaho para sa mga kongkretong aksyon.”

Ito ang mga pananlita ng alkalde ng Naples, Luigi de Magistris, na lumahok kasama ang archbishop ng Naples, Cardinal Crescenzio Sepe, sa ikatlong edisyon ng ‘Rainbow Sports’, na inoganisa ng Coni Naples at nakalaan para sa mga anak ng mga imigrante at ng mga taga Naples sa pagitan ng edad na 10 hanggang 15 taon.

“Nais namin hindi ang simpleng symbolic honorary citizenship sa mga anak ng imigrante na ipinanagnak sa Italya – paliwanag ni de Magistris – sa halip kami ay gumagawa ng isang resolution na magbibigay sa kanila ng parehong karapatan tulad ng mga Italians sa kanilang pagsilang sa ating lungsod”.

“Ang mga ito – ayon pa sa alkalde – ay mga kongkretong aksyon na uumpisahan ang inaasahang dapat gawin ng lehislatura matagal ng panahon ang nakalipas at maging ang mga inaasahan ng Pangulong Napolitano: ang ius soli, na ang mga ipinanganak sa Italya ay mga mamamayang Italyano. Gagawin namin ito sa Naples – pagtatapos pa nito – ang pagbibigay sa mga anak ng imigrante ng parehong karapatan tulad sa mga Italians.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, hinatulan ng 8 taong pagkakabilanggo

6 na Pinoy, hinatulan ng 58 taong pagkakabilanggo