Mula sa Pangulo ng Republika, isang bagong panawagan para sa reporma. “Ito ang mithiin ng mga kabataan”
Rome – “Umaasa ako na ang Parlamento ay haharapin din ang tema ng citizenship ng mga batang dayuhan na ipinanganak sa Italya. Tunay na isang kahangalan ang ipagkait ang pangarap na ito ng citizenship sa mga kabataan”.
Ito ang binitawang salita kahapon ng umaga sa Quirinale ng Pangulo ng Republika na si Giorgio Napolitano, sa isang pulong kasama ng Evangelical Church Federation in Italy. Muling inulit ni Napolitano ang kanyang mga ipinahayag noong nakaraang linggo, isang panawagan upang ilagay ang reporma ng citizenship sa political agenda sa darating na buwan.
“Hindi sa palagay ko – ayon pa sa Pangulo – na ang binagyong dagat ay biglaang magiging isang patag na lamang: mayroon pa rin namang mga alon. Ngunit may mga kondisyon para sa isang komprontasyon sa pagitan ng mga partido ng pulitika sa bagong sitwasyon ng pamahalaan. Mayroong mga kondisyon para sa mas malawakang layunin na makakabuti sa paghaharap sa pagitan ng mga partido. “