in

Napolitano: “Italyano ang mga anak ng migrante”

Ayon sa  Presidente ng Republika: “Kailangan ang isang reporma, ang mga minors ang pangunahing isyu. Ang kanilang kontribusyon ay napakahalaga para sa utang ng bayan.”

altRome – “Kailangang pag-isipang mabuti ang isang posibleng reporma kung paano at kailan maaaring igawad ang pagkamamamayan sa mga kabataan.” Ito ang inulit na panawagan kaninang umaga ng Presidente na si Giorgio Napolitano, na nakapiling ang isang delegasyon ng mga bagong mamamayan sa Quirinale.

“Sa loob ng iba’t-ibang mga proyekto ng reporma sa citizenship, ang pangunahing kwestiyon sa kasalukuyan ay nananatiling ang mga kabataan. Karamihan sa mga ito – ayon sa Pangulo – ay hindi natin mga kababayan dahil ang batas sa Italya ay balani dito, ngunit sila ay mga ganap na mamamayang Italyano sa araw-araw na pamumuhay, sa damami at sa pang-unawa ng kanilang mga identity. “

“Umabot na – ayon kay Napolitano – sa isang makabuluhang talakayan sa House noong Enero 2010.  Makikita rin ang isang malawak na pagtanggap sa opinyon nang sambayanan upang kilalaning mamamayan ang mga batang ipinanganak sa Italya mula sa mga magulang na dayuhan. Sa madaling salita, ang mga Italians ay bukas sa mga batang mga migrante ang magulang”.

Ayon sa Pangulo ng Republika, “Kung nais natin na ang mga anak at maging apo o kahit apo sa inapo ng ating mga mamamayang nakatira sa ibang bansa ay mapanatili ang ugnayan sa Italya at nararamdaman nilang sila’y Italyano pa rin, hindi natin maaaring hilingin sa mga kabataang may mga magulang na ipinanganak sa ibang bansa na huwag pansinin ang kanilang mga pinagmulan. Ang mahalaga ay nais nilang manirahan sa Italya at maging bahagi sa ikakabuti ng lipunan sa pamamagitan ng wika, halagang konstitusyunal, ang mga civic obligations at ang mga batas ng ating bansa. “
“Dapat nating ipagmalaki – bigay-diin ni Napolitano – ang katotohanan na, habang pinapanatili ang ugnayan sa mga pinagmulan, ipinahahayag nila ang pagnanais na maging Italyano. Ito sa  katunayan ay isang mahalagang patunay ng pagpapahalaga at pagtitiwala sa ating bansa. Dapat nating maramdaman ang isang matinding responsibilidad at isang tiyak na tungkulin na hindi ipagkait ang paniniwalang ito sa Italya”.

“Ang mga dayuhan na ipinanganak sa Italya – sabi pa ng Pangulo ng Republika – ng higit sa kalahating milyon, at halos 1,000,000 ang mga dayuhang kabataan na naninirahan sa Italya, kung saan higit sa 700,000 ang mga mag-aaral ay pumapasok sa ating paaralan Kung wala ang mga kabataang ito, ang ating bansa ay magiging isang popolasyong mas matanda at magkakaroon ng mas mababang posibilidad sa pag-unlad. Kung mawawala ang kanilang kontribusyon sa kinabukasan ng ating lipunan at maging ang ating ekonomiya, kahit ang pasanin ang utang ng bansa ay magiging mas mahirap para sa atin. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kilalanin ang mga kandidatong Filipino sa halalan sa Padova!

OFW remittances continue to grow in September