Isang liham sa lungsod ng Nichelino s pagbibigay ng honorary citizenship sa 450 anak ng mga imigrante. “Parliyamento harapin ang reporma”
Roma, Mayo 25, 2012 – Ang ikalawang henerasyon ng mga imigrante ay “isang mahalagang bahagi ng ating lipunan”.
Ito ang mga ipinahayag ng Pangulo ng Republika ng Italya , Giorgio Napolitano, sa isang liham sa Lungsod ng Nichelino (Torino), na nagbigay ng honorary citizenship sa 450 anak ng mga imigrante sa buwan ng Mayo. Mga kabataang ipnanganak sa huling sampung taon sa lungsod na ang mga magulang ay pawang mga imigrante.
“Ang awarding ng honorary citizen – ayon kay Napolitano – ay maaaring kumatawan sa isang mahalagang kontribusyon sa pagpapalalim ng public opinion ukol sa paksa, kahit na ang ginanap ay isang symbolical ceremony lamang at walang legal value”.
“Ang inisyatiba – nasasaad pa sa liham – ay isang pagkilala sa ikalawang henerasyon bilang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Ito ay malinaw, tulad ng aking palaging binabanggit , na ang mga kabataang ipinanganak at lumalaki sa ating bansa ay mahabang panahon ng itinuturing na mga regular na dayuhan sa kabila ng kanilang pakiramdam bilang tunay na mga Italyano sa araw araw nilang pamumuhay”.
“Inaasahan na ang mga hakbang na tulad nito – pagtatapos ni Napolitano sa sulat na ipinadala sa alkalde ng lungsod – ay magbigay linaw para sa isang maayos at malalim na pagtalakay sa parliyamento ng isang posibilidad na reporma na magbibigay ng pamamaraan at tamang panahon sa pagkilala bilang mga mamamayang Italyano sa mga kabataang dayuhan”.