Nai-distribute na ang 31,000 seasonal workers at iba pang 4,000 kung saan mas mayroong pangangailangan.
Roma – Abril 6, 2012 – Ang direct hire na nagpapahintulot ng mga bagong entries ng 35,000 na mga seasonal workers sa Italya ay hindi pa nailalathala sa Official Gazzette. Matapos itong mailathala ay saka pa lamang maipapadala ang mga aplikasyon ng hiring on line, pansamantalang maaaring i-fill up ang mga aplkikasyon at i-save lamang ang mga ito sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior.
Ang mga manggagawa ay magta-trabaho sa agrikultura at turismo , at magmumula sa mga sumusunod na mga bansa: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Croatia, Egypt, Philippines, Gambia, Ghana, India, Kosovo, Ex- Yugoslavia, Macedonia, Morocco , Moldavia, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Tunisia at Ukraine.
Samantala, maaaring makapasok naman ng bansa ang mga seasonal workers na nasa bansang Italya na noong nakaraang taon ng hindi ikukunsidera ang bansang panggagalingan.
Kahapon, ang Ministry of Labour ay hinati-hati ang mga entries ng 31,000 seasonal workers sa mga Rehiyon at mga autonomy provinces kung saan kakailanganing higit ang mga ito. Ang natitrang 4,000 naman ay iniwang nasa-sentro pansamantala upang ibahagi ang mga ito sa mga lugar kung saan higit na kakailanganin ang mga ito.
Narito ang mga bilang: