Matapos ilathala sa Official Gazette kamakailan ang DPCM ng December 29, 2022, na nagtatalaga ng mga bilang o quota ng mga dayuhang manggagawa na maaaring pumasok sa Italya para magtrabaho, inilabas na din ang joint circular ng Ministry of Interior Labor at Agriculture kung saan nasasaad ang pamamaraan at higit na impormasyon ukol sa pagsagot at pagpapadala ng aplikasyon ng Decreto Flussi 2023.
Ang Decreto Flussi 2023 ay naglaan ng 75,705 entries para sa trabaho ng mga manggagawag dayuhan, kung saan 44,000 nito ay para sa seasonal job at 7,000 naman ang bilang na inilaan para sa conversion ng mga permesso di soggiorno. Ito ay may kabuuang bilang na 82,705.
Mga bansang pasok sa Decreto Flussi 2023
24,105 non-seasonal subordinate workers mula sa mga sumusunod na bansa ang makakapasok sa Italya sa pamamagitan ng Decreto Flussi 2023
- Albania;
- Algeria;
- Bangladesh;
- Bosnia-Herzegovina;
- Korea (Republika ng Korea);
- Ivory Coast;
- Egypt;
- El Salvador;
- Etiopia;
- Philippines;
- Gambia;
- Georgia;
- Ghana;
- Japan;
- Guatemala;
- India;
- Kosovo;
- Mali;
- Morocco;
- Mauritius;
- Moldova;
- Montenegro;
- Niger;
- Nigeria;
- Pakistan;
- Peru;
- Republic of North Macedonia;
- Senegal;
- Serbia;
- Sri Lanka;
- Sudan;
- Tunisia;
- Ukraine.
Bilang karagdagan, may 6,000 non-seasonal subordinate workers din mula sa mga bansa kung saan sa taong 2023 ay magsisimula ang bilateral agreement sa migrasyon.
Mga sektor para sa NON-seasonal subordinate job
Ang mga sumusunod na sektor para sa NON-seasonal subordinate job:
- Truck drivers,
- construction,
- tourist/hotel,
- mechanics,
- telecommunications,
- food,
- shipbuilding.
Para sa mga nakatapos ng training program sa ibang bansa
Sa artikulo 4 ng dekreto ay nasasaad ang bilang na 1000 na nakalaan para sa mga dayuhang mamamayan na naninirahan sa ibang bansa, na nakatapos ng mga training program sa kanilang mga country og origin.
Para sa mga residente ng Venezuela na italian origin
Pinahihintulutan din ang pagpasok sa Italya, para sa NON-seasonal subordinate job at self-employment, ng 100 manggagawa na may italian origin hanggang third, na naninirahan sa Venezuela.
Conversion ng mga Permesso di Soggiorno
Ang Decreto Flussi ay nagpapahintulot din sa conversion ng mge permesso di soggiorno para sa subordinate job o self-employed na trabaho para sa mga nasa Italya na at mayroon nang permesso di soggiorno.
Conversion sa permesso per motivi di lavoro subordinato
Pinahihintulutan ang converson sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro subordinato mula sa mga sumusunod na uri ng permesso di soggiorno:
- permessi di soggiorno per lavoro stagionale – 4,400;
- permesso di soggiorno per studio – 2,000;
- permesso di soggiorno UE na inisyu sa ibang bansa ng Europa- 200.
Conversion sa permesso per motivi di lavoro autonomo
Pinahihintulutan ang converson sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro autonomo mula sa mga sumusunod na uri ng permesso di soggiorno:
- permesso di soggiorno per studio – 370;
- permesso di soggiorno UE na inisyu sa ibang bansa ng Europa- 30.
Pagpasok sa Italya para sa self-employment
Ang artikulo 5 naman ay nagpapahintulot sa pagpasok para sa self-employment ng 500 dayuhang mamamayan na naninirahan sa ibang bansa.
Pagpasok sa Italya para sa seasonal job
Ang artikulo 6 ay tumutukoy na pagpasok ng Italya ng bilang na 44,000 workers para sa seasonal job.
- Ang bilang na 1,500 ay nakalaan para sa mga dayuhang mamamayan na pumasok sa Italya para sa seasonal job nang hindi bababa sa isang beses sa nakaraang 5 taon at ang employer ay nagsumite ng aplikasyon ng nulla osta plurinnale o multy entry work permit;
- Ang 22,000 ay nakalaan para sa agriculture sector at ang aplikasyon ng nulla osta plurinnale ay isinumite ng mga employer’s organization ng Cia, Coldiretti, Confagricoltura, Copagri, Alliance of cooperatives (Lega cooperative at Confcooperative). Ang mga organisasyong nabanggit ay tinanggap ang obligasyon na pangangasiwaan ang proseso ng hiring hanggang sa pirmahan ng employment contract, kabilang ang mga obligasyon sa komunikasyon na iniaatas ng kasalukuyang batas. (PGA)