Magkakaroon ng dalawang taong validity ang mga permit at tatlong taon naman matapos ang renewal. Ang sinumang nawalan ng trabaho, ay magkakaroon ng kahit na isang taong panahon upang makahanap ng panibago. Ang draft ay isinulat ng gobyerno.
Roma – Marso 2, 2012–Inilathala ang darft ng reporma ng mga permit to stay, na isinulat ng gobyerno, at magiging isang susognaisa samgahakbangna tatalakayin saParlamento.
Bukod sa ilang mga bagay, ay nagsasaad na sa releasing ng mga permit to stay para sa subordinate job, ay magkakaroon ng dalawang taong validity kahit pa na ang kontrato ay permanent contract (indeterminato) o fixed term contract (determinato) na kasalukuyang mayroong isang taong validity.
Karagdagangextensionngvalidityayinaasahansapag-renew. Angsusogay magbibigaydaan para sa mga permit to stay para sa trabaho (self –employed at subordinate) at para sa pamilya, na magkaroon ng tatlong taong validity matapos ang renewal ng mga ito.
Walang binanggitsadraft, ukol sa buwisng mga permit to stay, na tila mananatili. Ang pagpapahaba ng validity ng dokumento, gayunpaman, ay magpapagaan kahit papaano sa bulsa ng mga imigrante.
Ang mga nawalan ngtrabahoaymado-doble rin ang validity ng permit, kumpara sa kasalukuyan, upang humanap ng panibago. Sa katunayan, maaaring magpatala sa employment agency (liste di collocamento) na mayroong permit to stay attesa occupazione para sa isang taon, na sa panahong ito ay maaaring makatanggap ng benepisyo bilang tulong sa sahod, tulad ng cassa integrazione (pagtanggap ng tulong pinansyal buhat sa Inps na hindi katumbas ang 100% sahod, ngunit ang kumpanya kung saan nagta-trabaho ay maaaring tawaging muli ang trabahador sa muling pangangailangan nito. Ito ay naiiba sa disoccupazione).