Tinanggal ng Inps ang requirement ng 24 hrs per week. Sa ngayon ay sapat na ang nakapag-trabaho ng 5 linggo sa huling 12 buwan.
Roma, Nobyembre 30, 2015 – Isang magandang balita para sa mga domestic workers, caregivers at babysitters na nawalan ng trabaho. Binago ng Inps ang mga requirements upang matanggap ng mas nakakarami ang bagong unemployment benefit o ang NASPI.
Ang Jobs Act, o ang reporma ng paggawa na simulang ipinatupad noong nakaraang Mayo, ay nangangailangan ng tatlong (3) requirements upang matanggap ang Naspi. Sa katunayan, 1) kailangan ang tinanggal sa trabaho 2) nakapaghulog ng kontribusyon ng hindi bababa sa 13 linggo sa huling 4 na taon at 3) nakapag-trabaho ng hindi bababa sa 30 araw sa loob ng huling 12 buwan bago mawalan ng trabaho.
Para sa mga domestic worker ay mahirap kalkulahin ang aktwal na araw ng trabaho, dahil ang mga employer ay ipinagbibigay-alam lamang sa Inps ang kabuuang oras ng trabaho sa isang linggo. Halimbawa, apat na oras dalawang beses sa isang linggo na katulad ng walong oras sa isang beses sa isang linggo.
At ang Inps ay naglabas ng requiremenst batay sa oras ng trabaho at hindi sa araw para lamang sa mga domestic workers.Batay sa isang circular noong Hulyo, makakatanggap lamang ng Naspi ang sinumang sa huling 12 buwan bago matanggal sa trabaho ay nakapag-trabaho ng hindi bababa sa limang (5) linggo at nagtrabaho ng 24 hrs kada linggo.
Ang interpretasyong ito ay isang balakid para sa 1/3 ng mga colf sa bansa at nagtatanggal ng karapatang matanggap ang unemployment benefit. Sa halos 900,000 na nagbabayad ng kontribusyon, sa katunayan, ay 300,000 ang nagta-trabaho ng mas mababa sa 24 hrs per wk. Sa katunayan, ay kasama sa bilang ang maraming colf na nagta-trabaho ng higit kaysa sa oras ng nasasaad sa kontrata dahil mas mababang oras ang idineklara ng mga employer nito.
Ang mga asosasyon tulad ng Acli Colf ay agad na nagsulong ng reklamo ng pagiging hindi makatarungan at isang diskriminasyon. Ang mga part-timer ay ganap na maaapektuhan at walang anumang matatanggap sa pagkakataong mawalan ng trabaho, dahil sa bilang ng araw at hindi oras ng trabaho.
Mabuti na lamang ay nagbago at pinalitan ng Inps ang requirement.
Sa isang bagong circular na ipinalabas noong Nobyembre 27 ay may pagbabago sa mga requirements at ipinaliwanag na ang requirement ng 30 araw ay matutugunan kung sa 12 buwan bago matanggal sa trabaho ay nakapagbayad ng 5 linggo kontribusyon at ang oras ng trabaho ay hindi na mahalaga. Dahil dito, ang mga regular na nag-trabaho ng limang linggo, full time o part time ay kwalipikado sa benepisyo.
“Ito ay magandang balita. Itinama ng Inps sa pamamagitan ng malinaw na paliwanag para sa mga part timer, na pangkaraniwan sa service sector. Ang mga colf, caregivers at babysitters ay kailangang tratuhin tulad ng ibang mga manggagawa, kahit sa unemployment benefit“, ayon kay Raffaella Maioni, ang Natonal head ng Acli Col sa Stranieriinitalia.it. Ito ay simula pa lamang.
“Ngayon – ayon kay Maioni – ang mga kontribusyon ay binabayaran hindi batay sa aktwal na kita, ngunit batay sa napagkasunduang kita. Ito ay sanhi ng mas mababang social benefit kumpara sa halagang dapat matanggap ng mga colf“.