Ito ang inilunsad kamakailan ng Ministry of Integration at ng National Office against Racial Discrimination (UNAR). Pagkilos ukol sa trabaho, pabahay, edukasyon, mass media, sports at kaligtasan.
Roma, Agosto 27, 2013 – Sisimulan ang National Action Plan laban sa diskriminasyon bilang tugon sa lumalalang sinpobya.
Ito ay inilunsad bago matapos ang buwan ng Hulyo ng Ministro ng Integrasyon, Cecile Kyenge kasama ang Labor Deputy Minister, Cecilia Guerra. "Sisimulan namin ang tatlong-taong proyekto laban sa rasismo, sinpobya at intoleransiya paliwanag ni Kyenge – sa pakikipagtulungan ng UNAR. Ito ang simula ng pagbubukas sa diyalogo sa civil society, patungong unyon ng mga manggagawa hanggang sa mga lokal na awtoridad. "
Ang Action Plan ay inihanda batay sa mga datos na nakuha ng UNAR, isang samahan na kasalukuyang nasasakupan ng Ministry of Equal Opportunity, at nakalaang maging malayang entidad. Noong 2012 ang UNAR ay humawak ng 1,283 kaso ng diskriminasyon, at higit sa kalahati o ang 51,4% ay sumasaklaw sa racial discrimination. Bukod dito ay maaaring idagdag ang 30 kaso ng diskriminasyon dahil sa relihiyon at paniniwala.
Ipinaliwanag ng Ministro na "Ito ay isang plano na sumasaklaw hindi lamang sa mga dayuhan, ngunit maging sa mga Italians na mayroong foreign origin”, kabilang ang ikalawa at ikatlong henerasyon, anak o apo ng mga Italians na namuhay sa ibang bansa, na sa kasalukuyan ay nagtataglay ng pagkamamamayan ng bansang sinilangan.”
Prayoridad ng action plan ang trabaho, pabahay, edukasyon, mass media, sports at kaligtasan. Ayon sa ilang pananaliksik ay tunay na ang kulay ng balat ang pangunahing elemento ng diskriminasyon, partikular sa mga paaralan o sa trabaho. “Kailangang pahalagahan ang pagkakaiba dahil ang action plan ay hindi lamang para sa mga dayuhan, ngunit para din sa mga gypsies,” dagdag pa ng Ministro.
Ayon kay Labor Deputy Minister " ay kinakailangan ang cultural maturity upang matanggal ang prejudices na pinagbubuhatan ng masamang pag-iisip laban sa kapwa. Idinagdag pa ng ikalawang ministro "ang pagkakaiba ay isang elemento ng integrasyon at kayamanan. Mayroong poot-panlahi sa Italya – ikinalulungkot na sinabi ni Guerra – at ang mga imigrante ang mas higit na nakakaramdam sa panahong ito ng krisis sa ekonomiya”.
"Ang galit batay sa lahi – ayon pa kay Kyenge – at ang pagbubuyo sa rasismo sa web ay isa sa mga pangunahing puntos at lumalabas ang patuloy na pagtaas sa bilang nito sa mga huling taon. Ang action plan ay nahahati sa dalawang bahagi, ang patakaran at samakatwid ang posibilidad na mapagtibay ng mga batas sa nasyunal at internasyunal na antas; ang ikalawa ay ang ukol sa komunikasyon. Sa unang pagkakataon ay idedetalye ang plano na kikilalanin din sa institutional level. "