in

National Office against Racial Discrimination (UNAR) – Italy

Hulyo 3, 2013 – Ang European Council sa Directive 2000/43/EC, ay nagsasaad ng pagtatatag sa bawat member state ng EU ng isang kinatawan para sa implementasyon ng equal treatment. Sa Italya, sa transposition sa d. lgs. 9 Hul 2003, n. 215 ay nagtatag sa Department of Equal Opportunities sa Council of Ministries ng National Office against Racial Discrimination o l’Ufficio Nazionale Antidiscriminazioni Razziali (UNAR),  na may layuning magbantay sa kapakanan at sa pantay na pakikitungo at gumawa ng mga protective measures laban sa diskriminasyon batay sa lahi o pinagmulan.

Sa kasalukuyan, ang UNAR ay pinalawak ang mga pagkilos, at nagbibigay proteksyon laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon bukod sa dahilan ng lahi gayun din tulad ng mga personal na paniniwala at relihiyon, edad, kapansanan, sekswal na oryentasyon at kasarian.

Kabilang sa maraming mga gawain, ang UNAR, sa tulong ng isang grupo ng mga hukom at mga eksperto, ay nagbibigay ng legal na tulong sa mga biktima sa hukuman o administratibong paglilitis at isakatuparan ang mga pagsisiyasat, sa malayang paraan at may rispeto sa hukom, upang masuri ang pagkakaroon ng mga pangyayaring ukol sa diskriminasyon.

Partikular ang kahalagahan ng ibinibigay na suporta at tulong ng tanggapan sa lahat ng mga biktima at napinsala dahil sa diskriminasyon , sa pamamagitan ng toll free number 800.90.10.10, mula Lunes hanggang Biyernes, mula sa 8:00-20:00 at sa pamamagitan ng isang access point sa  website www.unar.it, kung saan ang mga posibleng  biktima o testigo ng anumang uri ng diskriminasyon ay maaaring malayang ipaabot ang hinaing sa ibinibigay na serbisyo sa loob ng 24 na oras.

Ang Contact Center ay nagbibigay ng agarang tulong at mga kwalipikadong propesyonal ay nagbibigay ng impormasyon, oryentasyon at  suporta sa mga naging biktima ng diskriminasyon na magsasagawa ng pangangalap ng mga ulat, reklamo at patotoo o pagtestigo sa katotohanan, mga kaganapan, mga pagkilos na mapanghusga sa ilalim ng pangangasiwa ng  pagiging dalubhasa ng tanggapan, kung saan kinakailangan ang anumang solusyon  upang malutas o upang samahan ang mga biktima sa panahon ng paglilitis sa hukuman.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma ng Pagkamamamayan – Pagsusuri sa mga panukala, sinimulan

ANG SABUNGERONG OFW