in

New Italians sa Parliament

Ang pagpasok sa Montecitorio, magkahalong emosyon at responsabilidad. “Ngayon ay ang reporma sa citizenship”.

Roma – Marso 18, 2013 – Noong nakaraang Biyernes ay opisyal na binuksan ang ika-17 lehislatura ng Italian Republic. Sa pagitan ng 613 deputees ay matatagpuan rin sina Cécile Kyenge Kashetu at Khalid Chaouki, sa pila ng mga deputees ng PD.

Magkahalong emosyon at responsabilidad, ito ang naramdaman ng mga bagong halal na inilahad sa social network.

“Unang pagpupulong sa Kamara. Kabilang sa simula ng bagong kinabukasan”, ito ang isinulat ni Cécile Kyenge Kashetu sa kanyang fanpage. 

At sa isang note ng PD Modena, ang bagong deputee ay sinabing: “Bilang bahagi ng Parliyamento, aking gagampanan ang aking tungkulin hanggang sa magkaroon ng bagong batas na kikilala sa karapatan ng citizenship at dumating, sa wakas, ang isang pagbabago at isigaw ang prinsipyong: ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya ay italyano”.

Samantala, si Kahlid Chaouki ay naglahad rin ng kanyang naramdaman: “Unang araw sa transatlantic legend. Emosyon at nakakapangilabot na obligasyon…..”
 
Sa  maigsing somaryo ng unang araw bilang deputee, ay ikinuwentong: “Partikular ang aking responsabilidad bilang unang halal na deputee buhat sa second generation, ang aking mga magulang sa katunayan, buhat sa Marocco ay nagtungo ng Italya upang ibigay sa aming mga anak ang isang panaginip ng mas maginhawang pamumuhay”.  

Pagtatapos pa ni Kahlid Chaouki “Ang mga mata ng aking ina, ay namumugto sa karangalan dahil sa aking pagkakahalal, ito para sa akin ay nangangahulugan ng isang tungkulin ng katapatan at katapangan ang bansang Italya, na tunay kong mahal at nais kong bumalik ang taas noong pagharap nito sa ibang bansa”.


 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Laura Boldrini – tagapagtanggol ng mga refugees – ang bagong Presidente ng Kamara

March 20, simula ng paghahanda ng aplikasyon para sa mga seasonal workers