Ipinakilala ang mga kandidato na sina Khalid Chaouki, Cecile Kyenge, Nona Evghenie at Fernando Biague: Turco: Pagbabago sa batas ng citizenship at imigrasyon sa unang 100 araw ng lehislatura.
Rome – Enero 18, 2013 – “Isang mahalagang mensahe ng integrasyon na aming ikinagagalak at ipinagmamalaki”. Ganito ipinakilala ni Enrico Letta, ang Deputy Secretary ng PD sina Khalid Chaouki, Cecile Kyenge, Nona Evghenie at Fernando Biague, ang mga new Italians na kandidato sa Parliament ng PD sa nalalapit na eleksyon.
Si Khalid Chaouki, ipinanganak sa Casablanca, Marocco, 33 taong gulang at dumating sa Italya sa edad na 9. Lumaki sa Parma at Reggio Emilia. Itinatag ang Youth Muslim Association sa Italya at noong 2005 ay naging bahagi ng Islam Consultative Body sa Viminale. Isang journalist at ang namumuno sa grupong New Italians ng PD.
Nasa listahan ng Campania 2, nasa ika- 14 na posisyon at garantisado ang posisyon sa darating na halalan.
“Hindi maikakaila na nagsisimulang mamunga ang ating sama-samang pagsusumikap”, ayon kay Chaouki. “Kami ang simula ng panibagong pananaw sa politika. Inasahan namin ang pagbabago mul kay Minister Riccardi, ngunit hindi naman kabilang sa kanilang programa ang migrasyon. Sa abot ng aking makakaya ay aking ipaglalaban ang pantay na pagtingin at magandang hinaharap ng mga kabataan. Sa kasalukuyan, 80% ang mga kabataang naka-enrolled sa vocational school, ito ay hindi nagkataon lamang. Walang kinabukasan at pag-unlad kung walang imigrasyon, at ang mga new Italians ay maaaring maging tulay ng iba’t ibang kultura, ng iba’t ibang bansa para sa mas mayaman at makabuluhang bilateral exchange.
Si Cécile Kyenge, 48 taong gulang, may asawa at ina ng 2 anak, ipinanganak sa Kambove sa Congo Republic, ngayon ay isang ganap ng Italyana at naninirahan sa Italya sa halos tatlumpung taon na. Ophthalmologist, at provincial councilor ng Pd sa Modena at chairman ng Rete Primo Marzo, na nagpasimula sa ‘welga ng mga imigrante’ (sciopero degli immigrati). Isa sa editorial team ng Combonifem magazine at Corriere Immigrazione. Itinatag ang Afia project para sa formation ng mga manggagamot sa Congo sa pakikipagtulungan ng Lubumbashi University.
Kasalukuyang bahagi ng Forum Immigrazione at binigyang diin ang halaga ng layunin ng forum, ang pakikinig, dahil dito ay nagpapsalamat kay Livia Turco. Ang aming laban ay isang pagpapatuloy ng sinimulan ng PD: ‘Ang ipinanganak at lumaki sa Italya ay Italyano’. Dahil sa pananaw at pag-asang ito, ay kailangang magkasamang gisingin ang kaalaman at palalimin ang pagtanggap”.
Kandidata sa Kamara sa Emilia Romagna at ika-7 sa listahan.
Si Nona Evghenie, ay ipinanganak sa Romania, 34 anyos, tapos ng komersyo at nagta-trabaho sa isang bank institute, naninirahan sa Padova mula 2002 at kung saan nahalal bilang municipal councilor at head ng Committee on budget policy ng lungsod, kinatawan rin ng alkalde sa kultura at integrasyon.
Nasa listahan ng Veneto at nasa ika-25 sa listahan.
“Sa Feb 24 ay ika-11 taon ko na sa Italya”, Tulad ng iba, ang aking pagtakbo sa halalang ito ay para sa kinabukasan ng bansang ito. Ako ay nagsumikap sa aking lugar, sa Padova at itinatag ang isang grupo para sa tema ng imigrasyon. An gaming motto ay “I feel it”, kung saan ang salitang feel ay kumakatawan sa Famiglia, Efficienza, Equità, at Lavoro. Dahil ito ang ating mga pangunahing pangangailangan. Partikular na atensyon rin para sa mga kababaihan, upang sila ay matulungan sa trabaho at pamilya. Ang unemployment rate ng mga imigrante ay 30% at ito ay dapat pagtuunan ng pansin, dahil ‘trabaho’ ang pangunahing dahilan ng pananatili sa Italya. Bilang pangwakas ay kailangan rin ang karapatang bumoto ng mga imigrante”.
Si Fernando Biague, mula sa Guinea Bissau. Dalawampu’t pitong taon sa Italya at residente sa Bressanone, at mayroong dalawang anak. Isang PhD sa psychology sa Padova at mayroong partikular na atensyon sa drug addiction.
“Hinarap ng PD ang hamon ng Italya na tularan ang ibang bansa sa Europa, sa pamamagitan ng mga kandidatong mula sa ibang bansa. Kailangang harapin ang kinabukasan at hindi kailangang magpatuloy ang pagkakaroon ng social at cultural division. Isang mahalagang kilos na kakayaning baligtarin, sa pamamagitan ng mga programa, ang kasalukuyang sitwasyon”. Binigyang diin din ni Biague ang pananaw ng PD sa pagkakaroon ng mga kababaihang kandidato sa halalan.
Nasa ika-8 sa listahan sa Trentino Alto Adige si Biague.
Ipinaliwanag ni Letta na nais dalhin ng PD ang tunay na Italya sa Parliament. “Tulad ng pang-araw-araw na pamumuhay, ang mga kababaihan ay mayroong pangunahing ‘role’, gayun din sa Parliament. At kung ang mga New Italians ay isang yaman sa pag-unlad ng bansa, ay kailangan ding magkaroon ng kanialng kinatawan sa institusyon at politika itong malaking bahagi ng ating bansa”.
“Mapait ang nakaraan, isang lehislatura na pinipilit ang mag duktor na i-report ang mga undocumenteds, itinaas sa 18 buwan ang pananatili sa CEI, ang mataaas na buwis ng mga permit to stay”, pagpapaalala ni Livia Turco, ang presidente ng Forum Immigrazione. “Agad naming tatanggalin ang Bossi-Fini. Ipaglalaban ang isang tunay na Italya. Aming itinataya ang mga New Italians para sa isang kaaya-ayang bansa para sa lahat”.
Binanggit din ni Turco ang programa sa imigrasyon na aaprubahan sa unang 100 araw ng kanilang panunungkulan: batas sa citizenship, pagtatanggal sa clandestine crime, pagtatanggal sa buwis ng permit to stay, pagtatatag ng isang ahensya na kikilala sa tunay na pangangailangan ng mga manggagawang imigrante, bagong batas para sa pagpasok ng legal sa bansa.
“Ako ay nagdesisyong hindi kumandidato, paliwanang pa ni Turco – dahil nais ko na ang mga pangunahing tema ukol sa imigrasyon at integrasyon ay iharap mismo ng mga itinuturing na new Italians. Ipagpapatuloy kong maging bahagi ng politika at bilang presidente ng Forum Immigrazione ang pakikipaglaban para sa isang Italya na may pantay pantay na pagtingin at pamumuhay para sa lahat”.