Sa isang liham mula New Zealand ay hinihingi ang kolaborasyon ng Pilipinas sa mga rescue operations para sa 11 Filipinong nakasama sa gumuhong gusali noong Martes matapos ang isang malakas na lindol.
New Zealand – Putuloy pa rin ang recovery efforts sa mahigit na 200 katao pang nawawala matapos ang 6.3 magnitude na lindol na tumama sa New Zealand noong nakaraang Martes. Kaugnay dito, humihingi diumano ng tulong sa Pilipinas ang government ng New Zealand para sa search and rescue operartions.
Sa isang panayam sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos, kinumpirma nito na nagpadala ng sulat ang New Zealand sa Department of Foreign Affairs para alamin ang kakayahan ng mga Filipino rescuers sa posibilidad na hilingin ang tulong ng mga ito.
Mabilis naming pinulong ni Ramos ang composite team ng Armed Forces, Philippine National Police at grupo ng mga Filipino miners para pag-usapan ang magiging tugon ng Philippine government. Ayon pa kay Ramos ay may binuo ang composite team at handa na sila anytime para tumugon sa hinihinging capabilities mula sa Pilipinas.
Ayon pa dito, na kahit lumipas na ang 10 days ay posible na mayroon pa ring survivors. Tulad ng nangyari sa Baguio City noon. ‘Hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa para sa ating 11 kababayang nabalitang naipit sa mga gumuhong gusali sa Christchurch City’, na siyang sentro ng lindol sa New Zealand.
Sa ulat ni Philippine Charge d’Affaires Giovanni Palec, sinabi nito na patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad at Filipino community sa lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan. Ngunit sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa rin diumanong balita sa 11 mga Filipino na una ng napaulat na nawawala.
Kaugnay dito ay naki¬pag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kaanak ng mga nawawalang Pinoy at pinagsumite na ng dental records ng mga nawawalang medical workers upang makilala ang mga ito.
Sa pinakahuling ulat, sinabi ng New Zealand police na ang foreign students na nahugot mula sa guho ay hindi na makilala dahil sunog na rin ang mga bangkay ng mga ito.