Matapos ang kolehiyo,ang mga dayuhang mag-aaral na hindi makakahanap ng trabaho bago ang expiration ng kanilang permit to stay para sa pag-aaral ay dapat umuwi ng sariling bansa.
Ito ay nilinaw ngayong Setyembre ng Interior Ministry. Ang ilang police headquarters o Questure, ay nagtatanong ng posibilidad na isyuhan ang mga newly graduates ng permit to stay para sa anim na buwan upang makahanap ng trabaho matapos ang expiration ng permit to stay para sa pag-aaral. Ang ministeryo ay sumagot ng hindi at ipinaliwanag na ang sinumang makakahanap lamang ng trabaho habang valid pa ang permit to stay para sa pag-aaral ang maaari lamang magconvert ng permit to stay para sa trabaho. Isang mahirap na sitwasyon, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.
Samantala, ang mga asosasyon ng mga dayuhang mag-aaral ay nagre-reklamo at itinatanong kung ano ang dahilan sa likod ng desisyong ito. Pagkatapos ng maraming taon na ginugol para mag-aral sa Italya, matapos ang sakripisyo ng maraming pamilyang naiwan sa sariling bansa, sa katunayan, ay posibleng bumalik lamang ang iilang estudyante dahil hindi kaagad sila makahanap ng isang regular na trabaho. Mas malamang na piliin pa ng mga kabataang ito ang manatili dito sa Italya bilang iligal na migrante.