in

NO to permit to stay for humanitarian purposes, kung personal ang dahilan ng pag-alis sa sariling bansa

Bilang karagdagan sa inilathala ng Ako ay Pilipino kamakailan ukol sa dumadaming aplikasyon ng mga Pilipino ng Asilo Politico, narito ang isang mahalagang hatol na naging batayan upang tanggihan ang aplikasyon ng isang Bangladeshi.

Para sa Court of Appeals ng Naples, ang paglayo mula sa sariling bansa dahil sa personal na dahilan ay hindi nagbibigay karapatan upang magkaroon ng permit to stay for humanitarian purposes.

NO to permit to stay for humanitarian purposes kung ang dahilan ng pag-alis mula sa sariling bansa ay personal at hindi digmaan. Ito ang naging desisyon ng Court of Appelas ng Naples sa hatol bilang 659/2018, sa pagtanggi sa apela ng isang Bangladeshi na isang refugee status seeker.

Matapos tanggihan ang kahilingang kilalanin bilang refugee, ay nag-apela ang Bangladeshi upang ulitin ang aplikasyon.

Partikular, inilahad ng aplikante na sa Bangladesh ay mayroong malalang tensyon sa politika, at kadalasan ay nagkakaroon ng marahas na pag-atake sa pagitan ng gobyerno at oposisyon. Bukod dito, ay nakaramdam rin ng takot sa matinding kahirapan na kanyang hinaharap dahil hindi nagbayad ang kanyang pinautang. Ang natatanging solusyon, para sa kanya, ay ang lumabas ng bansa at magpunta sa bansang malayo sa panganib at mas may kinabukasan.

Matapos suriin ang iba’t ibang ipotesi para sa pagbibigay ng international protection, dapat isaalang-alang na ang aplikante ay isinumite ang apela katulad ng sa unang grado at wala ng idinagdag pa dito.

At dahil ito ay tinanggihan na ng Territorial Court of Caserta, maging ang Court of Appelas of Naples ay walang nakitang dahilan upang baguhin ang naunang hatol.

At dahil ang pangkalahatang sitwasyon ay hindi ukol sa malubhang panganib sanhi ng digmaan upang pagkalooban ng international protection ang aplikante. Ito ay isang normal na tensyon lamang sa politika.

Bilang konklusyon, ay maaring batayan ang isang mahalagang hatol bilang 20693/2017 ng Korte Suprema kung saan nasasaad “Ang dayuhan na umalis ng sariling bansa dahil sa personal na dahilan at hindi dahil sa digmaan ay walang karapatan sa permit to stay for humanitarian purposes”.

 

PGA

Basahin din:

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Personalized permit to stay para sa mga researchers, inaprubahan!

Giuseppe Conte, inatasan ni Matarella na mag-buo ng gobyerno