Ang mga balita sa mga pahayagan, hindi na magtataglay ng salitang “clandestino” na tumutukoy sa mga imigrante.
Roma, Abril 9, 2013 – Matapos tanggapin ang follow-up buhat sa Carta di Roma at ang makasaysayang laban sa pangunguna ng Pangulong si Laura Boldrini, ang ahensiya ng Adnkronos ay inanunsyo na ang mga ihahayag ng nasabing ahensya ay di na magtataglay ng salitang “clandestino” na tumutukoy sa mga imigrante.
Maliban na lamang sa anumang mga pahayag na nilalaman ng mga press release at i-uulat sa pagitan ng mga “quotes”. Maging sa mga transcriptions ng mga interviews at mga deklarasyon, ang salitang “clandestino” ay iiwasan, liban na lamang kung hinihingi ng pagkakataon upang maging malinaw ang inihahayag ng ini-interview o upang gamitin ang salitang ito ng tapat.
Sa halip na 'clandestino' ay gagamitin diumano ang mga salitang mas angkop sa teksto ng bawat balita, tulad ng irregolare, migrante, immigrato, rifugiato, richiedente asilo, persona cittadino, lavoratore, giovane, donna, uomo at iba pa tulad ng ipinahihiwatig ng glossary at ang mga alituntunin ng Carta di Roma mismo.
Ang anunsyo ay ginawa ng mga direktor ng agenzia di stampa, Giuseppe Pasquale Marra, na nagpahayag: “ Ang paggamit ng tamang salita ay laging mahalaga para sa isang ahensiya ng mga balita, ngunit higit na mahalaga kung tumutukoy sa kaganapan, tulad ng imigrasyon kung saan mas madaling maghasik ng takot, galit at rasismo. Bawat mamamahayag ay kailangang gampanan ang kanya-kanyang bahagi”