Ang public competition para sa mga paaralan ay esklusibong para lamang sa mga italians at mga europeans. “Isang diskriminasyon, baguhin ito at iurong ang petsa ng deadline ng mga aplikasyon” – hukom.
Roma – Marso 11, 2015 – Hindi tamang buhat sa Ministry of Education ang ganitong uri ng diskriminasyon bagkus ay dapat na magturo at maging isang magandang ehemplo.
Ito ang mga kaganapan matapos ipalabas ang implementing rules noong nakaraang Mayo (DM 353/2014) ukol sa paggawa ng listahan ng mga substitute teachers sa mga paaralan. Kabilang sa mga requirements sa paga-aplay ay ang pagkakaroon ng italian o european citizenship. Ang mga non-EU nationals ay tanggap lamang sa “pagtuturo sa conversation ng wikang banyaga” ngunit nananatiling priyoridad ang mga Italians at Europeans sa listahan.
Ang mga nakaka-alam ng batas, higit pa sa mga eksperto ng Ministry of Education, ay lumapit sa hukuman upang ipatupad ang batas na pantay para sa lahat. Ang Associazione Studi Giuridici per l’Immigrazione, Avvocati per Niente at ang unyon na Cub ay naghain ng reklamo na tinanggap naman ng hukom ng Milan kamakailan.
Tulad ng nababanggit sa reklamo, ang batas ng Italya at ng Europa ay tintiyak din sa ilang kategorya ang access ng mga dayuhan sa public competition at public service. Sila ang mga kamag-anak ng mga mamamayang italyano at europeo, mga mayroong carta di soggiorno, mga refugees at may inaternational protection at mga high skilled workers na mayroong tinatawag na “carta blu”.
Idineklara ni hukom Tullio Perillio (narito ang hatol) na isang ‘diskriminasyon’ ang requirement ng italian at european citizenship at ang pagbibigay ng priyoridad sa mga Italians at Europeans sa pagtuturo sa conversation ng wikang banyaga. At samakatwid ay inutusan ang Ministry of Education na baguhin ang anunsyo at iurong ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon bukod pa sa pagbabayad ng 3,000 euros sa naghain ng reklamo para sa naging legal expenses nito.
Samakatwid ay kailangan baguhin ang kasalukuyang ranking o listahan (graduatorie) at ang hatid nitong balakid sa mga aspiring substitute teachers gayun din sa mga paaralan. Isang sitwasyon na maaaring maiwasan kung ang Ministry of Education ay naging maingat lamang. Kung sabagay, isang katulad na pagkakamali ang nangyari sa recruitment ng mga school janitors.
“Kami ay naniniwala na sa pagkakataong ito ang hindi pagsunod sa batas ukol sa access sa public service ng mga dayuhan ay tuluyan nang magwakas dahil ang pagsunod sa batas ng europa ay naging isang mahalagang hakbang dahil sa knaila”, ayon sa Asgi, Apn at Cub.
stranieriinitalia.it/PGA