“Tama ang pagkakaroon ng isang multilingual protocol na dapat tupdin sa mga publiko at pribadong klinika”
Roma, Pebrero 13, 2012 – “Batay sa karanasan sa aming mga klinika Amsi (Associazione medici di origina straniera in Italia) para sa mga dayuhan ay maaari naming masabi na ang mga kababaihang Muslim at karamihan ng mga kababaihang dayuhan ay pinipili ang natural na panganganak gayun din ang panganganak sa kanilang tahanan.”
Ito ay ayon kay Foad Aodi, ang presidente ng asosasyon ng mga doktor na dayuhan sa Italya (Amzi) at Co-Mai (Arab community in Italy).
Ayon kay Aodi ay tamang gumawa ng isang multilingual protocol na dapat sundin sa mga publiko at pribadong klinika, at hindi dapat sisihin ang mga gynecologists lamang kung ang bilang ng mga
Caesareanay mataas sa Italya”. Kailangan din tanggapin ang defensive medicine pati na ang desisyon ng mga future mothers bukod sa surgical indications, pagtatapos pa ng president ng Amsi.