in

Nulla osta, dapat ibigay sa lahat ng pending application ng Decreto Flussi 2021

Simula noong June 22, 2022, ay nagsimulang ipatupad ang decreto legge 73/2022 kung saan nasasaad ang ‘semplificazione’ o ang pagpapadali sa proseso para sa pag-iisyu ng nulla osta o working permit para sa mga seasonal workers. 

Ang bagong regulasyon ay para sa mga aplikasyon na isinumite noong 2021 at para sa mga susunod pang Decreto Flussi. Partikular, sa decreto legge ay nasasaad ang pag-iisyu ng nulla osta sa lahat ng mga aplikasyon na isinumite noong 2021, sa loob ng 30 araw ng pagkakaroon ng bisa nito. 

Layunin ng decreto ay ang tapusin ang lahat ng mga aplikasyon na sa iba’t ibang mga kadahilanan ay naka-pending o nakabinbin pa rin. Ang mga kadahilanang ito ay maaaring, halimbawa, ang hindi pagpapadala ng opinyon ng Questura o Police Headquarters dahil sa mga hadlang sa pananatili sa bansa ng worker o ng Ispettorato di lavoro dahil sa salary requirement ng employer.

Sa pagkakataong maisara na ng Prefecture ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng nulla osta, ang Italian Embassy sa country of origin ng worker ay dapat mag-isyu ng entry visa.

Gayunpaman, dapat tandaan na ang Italian Embassy ay maaari pa ring tanggihan ang entry visa batay sa anumang hadlang kaugnay sa dayuhan na maaaring hindi nakita ng Prefecture.

Nulla osta, magpapahintulot para makapagtrabaho na ang worker

May isa pang mahalagang bagay na nilalaman ang decreto.  Ang nulla osta ay nagpapahintulot para makapagtrabaho na agad ang worker. Ito ay nangangahulugan na kahit undocumented ang manggagawa sa Italya ay tila regular na kahit nulla osta pa lamang ang hawak.

Ano ang mga kundisyon?

Upang makapagtrabaho ang worker na nasa Italya na sa pagkakaroon ng nulla osta, ay kinakailangan ang pananatili sa Italya noong Mayo 1, 2022. Ito ay dapat na patunayan sa pamamagitan ng fingerprinting, declaration for presence o anumang dokumentasyon na may petsa mula sa mga pampublikong tanggapan o kinatawan. 

Ang Sportello Immigrazione ang magsusuri sa presensya sa nabanggit na petsa, sa oras ng pagpirma ng contratto di soggiorno ng parehong employer at worker, na kinakailangan para sa pag-iisyu ng permesso di soggiorno. (Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Monkeypox, dumadami ang mga kaso sa Italya. Narito ang Gabay mula sa Ministry of Health.

Permessi 104, ano at para kanino ito? Sino ang maaari at hindi maaaring mag-aplay?