in

Obligasyon sa ‘denuncia dell’infortunio di un giorno solo’, hindi saklaw ang domestic job

Sa isang komunikasyon ay nilinaw ng Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico o Assindatcolf, na hindi saklaw ng bagong panuntunan ang domestic job. Narito ang Circular. 

 

Isang bagong obligasyon para sa mga employer ang pagsusumite ng ‘denuncia dell’infortunio di un giorno solo’ o report ng aksidente na nangangailangan ng isang araw na pagpapagaling lamang (hindi kasama ang araw ng aksidente). 

Sa isang komunikasyon noong Oktubre ay nilinaw ng Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico o Assindatcolf, na hindi saklaw ng bagong panuntunan ang domestic job. 

Hindi obligado ang mga employer sa domestic job na ipagbigay-alam sa Inail ang maliliit na aksidente o infortuni lievi o ang mga aksidente na nangangailangan lamang ng isang araw na pagpapagaling”. 

Sa katunayan simula noong Oktubre 12 ay simulang ipinatutupad ang bagong panuntunan na nag-oobliga sa lahat ng mga employer na ipagbigay-alam sa Inail, online o sa pamamagitan ng SINP o sistema informativo nazionale per la prevenzione nei luoghi di lavoro, ang lahat ng aksidente sa subordinate at self-employment job na nangangailangan ng I araw na pahinga, tulad ng nasasaad sa artikulo 18 talata 1, letra R ng D.Lgs n. 81/2008. 

Gayunpaman, sa implementing guidelines ng Inail Circular 42/17 ay walang anumang nabanggit na hindi saklaw ang domestic job, na kabaligtaran sa nasasaad sa artikulo 2 talata 2 letra A ng Testo Unico, na nagtatanggal sa depinisyon ng colf bilang worker at samakatwid ay nagtatanggal din sa kanila ng obligasyon sa pagpapatupad ng bagong panuntunan. 

Dagdag pa ng Assindatcolf, sa artikulo 3 talata 8 ay hindi rin saklaw sa pagpapatupad ang mga occasional sa domestic sector. 

Tulad sa nakaraan – pagtatapos ng Assindatcolf – ang mga employer sa domestic job ay obligado lamang sa paggawa ng komunikasyon ng infortuni kung ang prognosi ay higit sa 3 araw tulad ng nasasaad sa artikulo 53 ng D.P.R. 30/06/1965 bilang 1124 at gamit ang form 4bis RA, sa pamamagitan ng registered mail with return card. Hindi nasasaad ang obligasyon ng online report tulad ng nasasaad sa ibang kategoriya (Inail Circular n. 34 ng 27/06/2013)”.    

 

Basahin rin:

Naaksidente ang colf, ano ang dapat gawin ng employer?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online survey, inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Italya

Pinoy na nagpapautang, kinasuhan ng ‘usury’