Sa Jobs Act ay tumaas ang taunang sahod o compensation para sa lavoro accessorio. Ito ay mas mataas pa sa minimum required salary para sa regular na paninirahan sa Italya.
Roma – Hulyo 3, 2015 – Tumaas ang halaga ng compensation para sa occasional job o mas kilala sa tawag na lavoro accessorio, na mahalaga para sa mga manggagawang dayuhan.
Ito ay nasasaad sa Jobs Act, ang reporma sa trabaho at partikular sa tatlong artikulo ng legislative decree na inilathala noong June 24 kung saan binabago ang anyo ng occasional job. “Para sa lavoro accessorio – paliwanag – ito ay kumakatawan sa uri ng trabaho kung saan hindi isinasaalang-alang ang dami ng bilang ng commissioner o employer, na may kabayarang higit sa 7,000 euros sa isang taon”. Hanggang sa kasalukuyan ay higit sa 5,000 euros lamang.
May iba pang pagbabago:
- ang serbisyo ay hindi maaaring lumampas sa € 2000 sa bawat employer kahit na isang kumpanya o isang propesyunal;
- ang sinumang tumatanggap na ng unemployment benefit, o maternity o ibang uri ng benepisyo buhat sa Inps ay hindi maaaring magkaroon ng ‘lavoro accessorio’ kung saan maaaring kumita ng higit sa 3,000 euros kada taon;
- sa agrikultura, ay maaaring mag-empleyo sa ganitong paraan, seasonally ang mga estudyante at ang pensyunado.
Isa pang partikular na katangian ng lavoro accessorio ay ang worker ay hindi binabayaran ng cash bagkus ay sa pamamagitan ng voucher o buoni orari na katumbas ng10 euro kada 1 oras na binili o binayaran na ng employer. Sa 10 euros na ito ay lakip na ang social security na babayaran sa Inps at ang accident insurance sa Inail.
Sa dekreto ay binanggit rin ang mga manggagawang dayuhan. Sa katunayan, ang matatanggap na kabayaran sa pamamagitan ng lavoro accessorio ay “ginawa para rin sa kalkulasyon ng kabuuang kita para sa releasing at renewal ng permit to stay”.
Ito ay bahagi na rin ng pamantayan noon pa man ngunit ang maximum compensation ay tumaas sa 7,000 euros at theoretically, ay sapat na halaga upang ma-renew ang permit to stay. Sa katunayan, ang halagang nabanggit ay mataas pa kaysa sa € 5830,00 required minimum salary upang regular na manirahan sa Italya.
Ngunit isang katanungan ang domestic job. Ilang private ang sa halip na mag-empleyo ng colf, caregivers at babysitters na mayroon lahat ng benepisyo tulad ng ferie, 13th month pay, separation pay etcc at hahangarin ang mas maluwag at mas magaan na uri ng employment tulad ng lavoro accessorio?
Ano ang lavoro accessorio?
Ang ‘lavoro accessorio’ ay kumakatawan sa uri ng employment na nasasaad sa D.Lgs. bilang 276/2003, ang kilalang Biagi reform, na layuning gawing lehitimo ang ilang uri ng trabaho na karaniwang hindi nabibigyang pansin at halaga, at may malaking posibilidad na magtrabaho ng hindi regular (o nero) at walang anumang proteksyon sa social security at accident insurance.
Malinaw na ang bentahe ng ganitong uri ng employment ay para sa pareho, worker at employer, salamat sa partikular na katangian nito:
– ang employer (tinatawag ding commissioner) ay maaaring mag-empleyo ‘occasionally’ batay sa kanyang pangangailangan, ngunit ginagarantiya ang coverage sa anumang aksidente sa trabaho ngunit nababawasan ang administratibong tungkulin bilang employer at nababawasan din ang panganib sa posibleng demanda ng worker;
– ang worker ay maaaring idagdag ang ibang kinikita na tax free at protektado sa social security at accident insurance.