Ito ay nagbibigay ng access sa walong libong serbisyo sa bansa para sa mga imigrante, pinagsama-sama ang mga batas, mga pag-aaral at mga gabay. Nilikha ng Ministry of Labor sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at asosasyon. Isang mahalagang instrumento para sa pamumuhay ng mga dayuhan, maging sa pagnenegosyo sa bansa.
Rome – Nagbibigay impormasyon at direksyon sa mga imigrante, pati rin sa mga kumpanya, pamilya at mga propesyonal, binubuo ng halos 8000 mga serbisyo para sa integrasyon sa Italya, mayroong mapa, patuloy na-update at may access ang lahat.
Ang layunin ng www.integrazionemigranti.gov.it, ang portal na ginawa ng Ministry of Labor sa pakikipagtulungan ng Ministries of Interior, of University at Integration, sa tulong ng Italia Lavoro. Ang isang malaking database online, na pinuno ng mga impormasyon, sa tulong din ng mga Rehiyon at mga lokal na pamahalaan at pagbibigay halaga sa account ng mga third sector, nagsimula sa 600 contacts na nakatala sa National Register ng mga asosasyon at mga institusyon na kumikilos at tumutulong para sa mga imigrante.
Ang mga serbisyo ay naaayon sa pangunahing key points ng National Plan for Integration, tulad ng pag-aaral ng wikang Italyano, trabaho, tirahan, ang mahahalagang serbisyo at mga minors at ang second generation. Mayroon ding isang seksyon para sa intercultural mediation, kung saan matatagpuan sa lahat ng mga categories na nabanggit.
Ang navigation ay structured by target, sa katunayan, may magkaibang pamamaraan para sa mga dayuhan at sa mga employer, at maging lokasyon, upang magbigay ng mabilisang tulong sa mga naghahanap ng serbisyo sa lungsod kung saan naninirahan. Maaaring matuklasan, halimbawa, kung saan matatagpuan sa Roma ang kurso sa wikang Italyano o anong tanggapan ang nagbibigay tulong sa mga nais magbukas ng isang negosyo sa Milan, lahat ay mayroong kasamang detalyadong mapa at mga contact numbers.
www.integrazionemigranti.gov.it ay mayroong ding isang seksyong para sa mga balita, updated araw-araw, at isa pa na nagtatanghal ng mga regulasyon sa bansa, Rehiyon at European countries ukol sa imigrasyon. Mayroong ding mga gabay sa iba't-ibang wika, tulad ng ‘Manual for Integration" na inilathala sa pitong wika sa pamamagitan ng Ministry of Labor, ‘Gabay para sa siguridad sa trabaho’ mula sa Inail at mga brochures ng ‘InformaSalute’ ukol sa access ng mga mamamayan sa National Health Service (Servizio Sanitario Nazionale).
Para sa mga hindi pamilyar sa Internet, ay matatagpuan ang isang libreng help desk line na pamamahalaan ng Formez. Ang mga telephone operators ng "Linea Amica Immigrazione" ang sumasagot sa wikang Ingles, Italyano, Pranses o Espanyol (803,001 mula sa landline o 828,881 mula sa cell phones) upang tulungang mag-navigate sa portal at matagpuan ang mga kinakailangang impormasyon, at humihingi rin ng mga mungkahi para sa ikabubuti ng serbisyo.