Pinangangambahan hindi ang paglaki ng populasyon ng mga migrante sa Italya, kundi ang mga pagkakataon na ang mga taong ito ay magpataas ng undeclared jobs, black market o ang masangkot sa krimen.
Roma, Mayo 30, 2012 -”Sa halos dalawang taon na, ang mga migranteng nasa kulungan, hindi kasama ang mga undocumented, ay kumakatawan 35%, samantala sa hilagang Italya ang 70% ng pagnanakaw ay sanhi ng mga dayuhan.
Ayon ito kay chief of police na si Antonio Manganelli, sa pagtatanghal ng libro ni Mauro Miccio, “Corpo a corpo”.
Pinangangambahan samakatwid, bigay-diin ni Manganelli – hindi ang pagdami ng mga banyaga, kundi ang mga pagkakataon na ang mga taong ito ay magpataas o ang malulong sa undeclared jobs, black market o ang masangkot sa anumang uri ng krimen.
Binigyang-diin din ng chief of police ang kahalagahan ng integrasyon at dialogo.