Simula sa Lunes May 18, ang mga nais maging italyano ay maaari ng mag-aplay online. Ang mga dokumento ay kailangang i-scan at ilakip sa e-form.
Roma – Mayo 14, 2015 – Ilang araw na lamang at ang mga nais maging ganap na italyano ay magkakaroon ng mas mabilis at mas madaling proseso, isang ‘click’ na lamang.
Simula Lunes May 18 ay ilulunsad ang bagong sistema ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Italian citizenship, sa pamamgitan ng website na inilaan ng Ministry of Interior: https://cittadinanza.dlci.interno.it. Matapos ang magparehistro ay magkakaroon ng access sa e-form kung saan isusulat ang mga datos na kinakailangan.
Sa online application ay ilalakip, matapos i-scan ang mga dokumento tulad ng dokumento ng pagkakakilanlan at dokumentasyong buhat sa sariling bansa, tulad ng birth certificate at NBI clearance. Kailangan rin ang resibo ng pinagbayarang kontribusyon ng postal bill ng 200 euros na hinihingi ng batas sa bawat aplikasyon.
Ang pinaka bentahe ng aplikasyon online ay ang pagsusumite ng mga requirements na nasasaad sa batas, matapos itong makumpleto ng aplikante. Samantala, sa ngayon, upang maisumite ang mga kinakailangang dokumento ay kailangan munang mga-book on line para sa isang appointment sa prefecture, na karaniwang malayong petsa ang ibinibigay.
Sa simula, ang bagong sistema ay isasabay sa lumang sistema. Hanggang sa June 18, sa katunayan ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga operators ng prefecture. Makalipas ang petsang ito, ang lumang sistema ay ganap ng mawawala at ang lahat ng nagnanais maging italyano ay mananatiling nakaupo na lamang sa harapan ng computer sa pagsusumite ng aplikasyon.
Sa mga susunod na araw ay aming ilalathala ang bawat hakbang sa mas detalyadong paraan ng bagong pamamaraan .