Mula Pebrero 3 ay sisimulan ang online enrollment para sa lahat ng unang grado ng elementarya at ng first & second degree high school. Sa pagkakataong ito, ang sistema online ay hindi na nangangailangan ng fiscal code.
Rome – Enero 15, 2014 – Magbubukas mula Pebrero 3 at magpapatuloy sa buong buwan ang enrollment online para sa school year 2014/2015.
Tulad ng nakaraang taon, dapat isumite ng mga pamilya ang enrollment application online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Education (www.iscrizioni.istruzione.it ), kung saan maaaring magpa-rehistro mula Jan 27. Sa pagkakataong ito, upang maprotektahan ang karapatan sa edukasyon, walang magiging pagkakaiba maging para sa mga anak ng mga imigrante na walang permit to stay.
Matatandaang noong nakaraang taon, ang online system ay naglikha ng pagkalito. Dahil ang programa ay nangangailangan ng fiscal code, at ang kawalan ng regular na permit to stay ay hadlang upang magkaroon nito.
Matapos mapagtanto ng Ministry of Education ang pagkukulang na ito, ang tradisyunal na paraan ng enrollment ang naging solusyon para sa maraming pamilya. “Ang mga magulang – paliwanag noon buhat sa Ministry – ay kailangang gawin sa pamamagitan ng tanggapan ng mga paaralan”.
Sa taong ito, ang Ministry ay kumilos sa tamang panahon at binago ang online system.
“Maging sa mga mag-aaral na hindi italyano at walang fiscal code ay maaaring gawin ang enrollment on line”, tulad ng mababasa sa isang Circular na ipinadala ng Ministry ilang araw na ang nakakalipas. “Isang sistema, sa katunayan, na magpapahintulot sa mga mag-aaral ang mabigyan ng provisory code na papalitan naman ng paaralan ng final fiscal code sa lalong madaling panahon”.
Patuloy ang pagdami ng mga anak ng mga imigrante sa loob ng mga paaralan sa bansa. Sa katunayan, batay sa huling ulat, sa school year 2012/2013 ang mga mag-aaral na walang Italian citizenship ay 786.650 o ang 8% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral. Halos kalahati ng mga ito (o ang 47,2%) ay mga ipinanganak sa Italya.