Mga imigrante ang karamiwang kliyente na handang magbayad hanggang sa 4000 € upang pumasa sa test at magkaroon ng driver’s license. Napatunayan lahat sa pamamagitan ng hidden camera.
Roma – Hunyo 5, 2012 – Apat na opisyal ng Motororizzazione Civile (LTO) at ang dalawang may-ari ng driving school ay inaresto kahapon sa Roma matapos ang isang imbestigasyon sa tinatawag na “easy driver’s license” (patenti facili) na ibinibigay partikular sa mga imigrante. Ang mga kliyente ay karaniwang handang magbayad ng 4,000 euros upang magkaroon ng ‘simpleng tulong’ upang magkaroon ng driver’s license.
Sangkot sa imbestigasyon, na pinangunahan nina Alberto Caperna, Carlo La Speranza at Roberto Felici, ang 60 katao at higit sa 100 ang mga lisensyang sinikwestro sa ginawang wiretapping. Naglagay din ng mga hidden camera upang mai-record ang pagsasailalim sa test sa mga tanggapan sa Laurentina at Salaria, Rome at ang mga materyales ay nagpapakita ng mga public officials na nagbibigay ng mga sagot o sila na mismo ang sumasagot sa mga test.
Isa sa mga inaresto ay ang presidente ng kinatawan ng 40 mga autoscuole (driving school) sa Roma at mga lalawigan nito, partikular sa Anzio, Nettuno at Castelli Romani. Kabilang sa mga kliyente ay ang mga Chinese, Moroccans, Egyptian, Indians, Romanians, Ethiopians, Moldavian at ilang Italyano na hindi makapasa sa test.
Ang operasyon ay tinapos ng mga lokal na awtoridad sa Roma at Ciampino. Ilang linggo lamang ang nakakaraan, sa katulad na imbestigasyon, ang mga traffic police ay sinubukang tanungin ang mga immigrant drivers sa italian language at kinumpiska ang lisensya ng mga hindi nakasagot sa kabila ng pagpasa sa pagsusulit sa linguahe.