in

Otto per mille, simula ng aplikasyon para sa mga nais makatulong sa mga refugees

Mga non-profit associations at entities, aplikasyon hanggang Sept. 30. Narito kung paano.

 

Roma, Setyembre 14, 2015 – Ang “donasyon” sa pamamagitan ng otto per mille ng sinumang nagbabayad ng buwis ay magagamit rin upang masuportahan ang pagtanggap ng Italya sa mga refugees na tumakas mula sa digmaan. Ito ay tiyak na kakailanganin dahil ang pagsagip sa mga nakikipagsapalarang refugees ay patuloy at hindi humihinto ang pagdating sa Sicilian Channel.

Sa paggawa ng tax return, ay maaaring ilaan ang maliit na bahagi ng Irpef sa isang religious organization (Simbahang Katolika at ibang simhaban) o sa estado. Sa huling nabanggit, ang bahaging ito ng buwis ay ginagamit sa maraming bagay tulad ng maintenance ng cultural heritage, pagtulong labanan ang gutom sa buong mundo o sa pagtulong sa mga refugees.

Kaugnay nito, hanggang Sept. 30 2015, ang mga entidad at mga non-profit associations ay may pagkakataong magsumite ng aplikasyon upang matanggap at pamahalaan ang halagang ito. Paano? Sa pamamagitan ng gabay, mga forms at lahat ng impormasyon – qualifications at requirements ay inilathala sa website ng governo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga chikiting, lumahok sa National Day ng Bolivarian Republic of Venezuela sa Expo

Silid-Paaralan sa Bohol, naisakatuparan ng ENFiD-ITALY