in

Overtime sa Interior Ministry, kukunin sa kontribusyon ng mga aspiring Italians

Mula 30,000 application noong 2006 sa 100,000 ngayong taon. Ang overtime ng mga empleyado ng Ministry, magmumula sa kontribusyon ng mga aspiring Italians. 

 

Roma, Disyembre 17, 2015 – Ang Italian citizenship ay nagiging layunin ng marami.Sa katunayan, noong 2006 ay mayroon lamang 30,000 ang nag-aplay upang maging Italyano; ngayong taon ang mga aplikasyon ay tinatayang higit sa 100,000. Dahilan upang mapilitang mag-overtime ang mga empleyado ng Interior Ministry.

Ginagawa namin ang lahat ng paraan sa mabilis na rationalization, simplification at computerization, ngunit ang pagdami ng aplikasyon ay nagpapabagal sa aming pagsusumikap”, paliwanag noong nakaraang taon sa House ni Mario Morcone, ang head ng Department of Civil Liberty and Immigration. Sa ganitong paraan ipinagkatiwala ng prefecture sa mga deputies ang bilang ng mga nape-pending na aplikasyon.

Ngayon ang Stability law 2016 ay sinisubukang matugunan ang kwestyon gamit ang halagang ibinabayad ng mga aspiring Italians, o ang kontribusyon ng 200 euros na binabayaran ng sinumang nag-aaplay ng citizenship.

Ang halagang nabanggit ay napupunta sa Department of Civil Liberty and Immigration. Ang kalahati, ayon sa batas ay upang pondohan ang mga international cooperation projects sa pakikipagtulungan ng mga third countries ukol sa imigrasyon, ang kalahati naman ay mahalaga sa ordinaryong aktibidad sa pagproseso ng ilang dokumentasyon tulad ng citizenship at iba pa, na pinamamahalaan ng tanggapang nabanggit.

Isang susog sa Stability law ang isinulong ni Micaela Campana (PD) at inaprubahan sa Budget Committee ang nagsasaad na ang labis sa kontribusyon ay maaaring magamit sa overtime ng mga empleyado ng department. Isang dekreto buhat sa Ministries of Interior at Economy ang magtatalaga sa halaga at magpapahintulot sa karagdagang oras ng trabaho ng mga empleyado. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kabataang dayuhan, hindi makakatanggap ng carta cultura na nagkakahalaga ng € 500

Ban Ki-moon sa International Migrants Day: “Hindi natin papabayaan ang sinuman”