Minister of Integration: “Minority ang tutol sa reporma. Naniniwala ako sa pagiging makatao ng ating bansa.”
Roma – Mayo 24, 2012 – “Tayo ay nasa simula ng integrasyon ng ikalawang henerasyon at kung hindi natin mlalampasan ang bahaging ito ay magkakaroon ng mga malubhang problema.”
Ito ang mga pangungusap ng Minister of International Cooperation and Integration, na si Andrea Riccardi, kahapon sa San Gallicano sa Roma sa National Institute for Health Promotion of Migrant Population upang labanan ang mga sakit ng kahirapan, na tumutukoy sa Italian citizenship ng mga ipinanganak, lumalaki at residente sa Italya ng mga anak ng mga regular at namumuhay na imigrante sa bansa.
Citizenship ng ikalawang henerasyon “Naiintindihan ko na may isang bahagi ng populasyon na tutol dito – sabi ni Riccardi – ngunit ang karamihan ay pabor at may pagtitiwala at pagtanggap. Ako ay madalas maglakbay, maraming tao ang aking nakakasalamuha at nakikita ko na maganda ang pagtanggap ng mga kabataang Italyano sa mga kabataang anak ng mga imigrante.
“Ako ay nagtitiwala – sinabi pa ng Ministro – sa implicit behavior ng mga Italians, ang pagiging makatao na nadungisan sa Brindisi at kasalukuyang sinusubukan matapos ang malubhang lindol sa Emilia-Romagna. Kailangan nating magkaroon ng positibong konsiderasyon, maingat at nakabubuti sa halaga ng imigrasyon sa ating bansa batay din sa pinaka huling ulat ng Istat”.
PD: “Tama si Riccardi, reporma agad”
“Kami ay sang-ayon sa mga pananalita ng Ministro Riccardi. Hindi lamang ang mga imigrante at kanilang mga anak, ngunit lahat ng mga Italians ay hindi na rin matanggap ang pagpapatuloy ng isang hindi makatarungan batas na nagdi-discriminate sa libu-libong mga kabataan na ang tanging kasalanan ay ang ipanganak ng mga magulang na imigrante at dahil dito ay hindi kaylan man maaaring tawaging mamamayan ng bansang sinilangan na kanilang itinuturing na pinagmulan” ayon kay Khalid Chaouki, Head ng Nuovi Italiani ng Democratic Party.
“Hilingin natin kay Ministro Riccardi – dagdag pa nito- na kumatawan bilang spokesperson sa Konseho ng mga ministro ng lehitimong hangarin ng halos isang milyong mga kabataang anak ng mga imigrante sa Italya, na ngayon ay binanggit sa magagandang salita ng Pangulo ng Republika nga si Giorgio Napolitano, at patuloy na hinahanapan ng di maipaliwanag na pagmamatigas na pawang instrumental mula sa center-right ng parliyamento na patuloy na tinatanggihan ang reporma sa citizenship
“Kasama kami ng Kalihim Pier Luigi Bersani – pagtatapos pa ng exponent ng Democratic Party – handa sa labanan para sa isyu ng pagkamamamayan ay gawing prayoridad sa proseso ng reporma sa ng ating bansa at para ang Italya ay maging isang tunay na inclusice at demcratic country”.