in

Pabrika ng mga permit to stay, natuklasa ng Guardia di Finanza!

Pekeng permit to stay na tila mga original, ibinebenta ng 5000 euros sa mga non-European migrants sa lalawigan ng Naples at Caserta.

alt

Roma – Ni-raid ng mga tauhan ng Guardia di Finanza ang  malaking pabrika na matatagpuan sa Pozzuolo, Naples. Ito ang gumagawa ng mga fake na permit to stay at mga fake na stamp (marcha da bollo).

Ayon sa mga ulat ng  ‘Fiamme Gialle’ isang record ang pagkaka-kumpiska sa operasyon, dahil ito diumano ang pinakamarami at pinakamataas na teknolohiyang ginamit sa pamemeke ng mga dokumento; ang paggamit ng partikular na wet paints at mga laser upang lumikha ng mga kahintulad sa orihinal na mga permit to stay na ginagawa lamang ng Istituto poligrafico zecca ng bansa.

Sa loob ng pabrika, ay nakilala ang nagmamay-ari nito, M.A., 35 taung gulang ng Pozzuolo, na gumawa ng 4,000 pekeng permit to stay sa halagang 5,000 euro upang maging tila regular ang mga migranteng walang permit to stay sa mga lalawigang nabanggit. Ang grupo ay tumanggap na nang 20,000 order ng mga pekeng dokumento na nagkakahalaga ng 100 million euros.

Sa raid ay nakilala ang iba pang mga dalawang kasabwat nito: F.R. 58 taung gulang ng Castelvolturno, purchaser ng mga fake na permit to stay at GP, 33, ng Pozzuoli, naman ang broker. Sa tahanan nito ay natagpuan ang ilang pekeng mga permit to stay, 140 pekeng mga stamps at 4 na kahon ng Post Office na may timbang na 35 kgs na bukod sa sira-sira ay hindi ibinigay sa mga consignee ang mga ito bilang employee ng post office.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Panalo na, naging bato pa!

Italian citizenship para sa mga ipinanganak sa Italya? Paano?