in

Padania: Lagyan ng buwis ang mga remittances!

Ang ‘Quotidiano del Carroccio’ ay nagmumungkahi na kaltasin ang 1% sa halagang ipinapadala ng mga migrante sa kanilang bansa. “Ito ay maaaring magpasok sa bansa ng higit sa 60,000,000 (60 million euro) sa isang taon”

  altRome – Habang ipinagsisigawan ang pensyon ng mga Italyano, ang Lega Nord ay gustong pakialaman ang bulsa ng mga migrante, sa pagbibigay (muli) ng mga bagong taxes sa mga ipon ng mga ito.

“Ang mga Remittances ay dapat bigyan ng tax upang panatilihin ang kanilang mga ipon sa ating bansa”, ito ang mungkahi ngayon ng Padania, sa pagbabanggit (muli) ng kanilang ideya na inihayag ilang buwan na ang nakalipas. “Apat at kalahating milyong mga migrante ang nagpapadala ng higit kumulang na 1,500 bawat tao kada taon sa kanilang sariling bansa. Sa madaling salita, sa isang taon, ay tila 6,750,000,000 ang perang nawawala sa ikot ng ekonomiya ng bansa. “

Ang pahayagan ay itinuturo ang China, na nagpapadala ng pinakamalaking bahagi ng remittances at, “minamantine diumano ang higit sa 500,000 mga kapamilya sa tinubuang-bayan”. Lahat ng ito habang ang merkado ng mga Intsik, ay walang hintong sinasakop ang ating merkado, ito ay tulad ng mga may ugnayang palayok na ibinubuhos ang lahat ng laman sa malaking palayok”

Ang solusyon? “Isang maliit na buwis sa mga remittances, na maaaring makatulong sa proseso ng rekonstruksyon ng Pamahalaan”. Ang mga taga Lega Nord ay iniisip na kunin ang 1% ng remittances na bawat taon ay magdadala sa estado ng higit sa 60,000,000, upang ito ay pamahalaan, simple lamang, “sa isang pederal na paraan, o pagbabalik sa lugar kung saan ang mga ito ay kinita.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Saya: “Paalisin ang mga migrante at kumpiskahin ang kanilang mga ari-arian”

Megastar, proud sa pagpayat!