Isang linggo pa at magiging mas mahirap ang pagkakaroon ng carta di soggiorno, isang uri ng dokumento na may idefinite validity na hindi nangangailangan ng renewal.
Mula December 9, ay uumpisahan ang isang bagong panukala ng pamahalaang nagpasiya na gawing isa sa mga requirements sa pagkuha ng carta di soggiorno o ng tinatawag na permit to stay CE, ang pasadong italian language exam , A2 ang antas ng pamantayan ng Europa, na sinasabing base ng kaalaman ng ibang wika.
May ilang mga iksemsiyon, ngunit lahat ng mag aaply ng carta di soggiorno ay dapat na ipasa ang Italian exam. Ang Ministry of Interior ay tinitiyak na magiging madali para sa lahat ang procedures ngunit ang katunayan ay nananatiling isa itong balakid at higit sa lahat magpapatagal ng releasing ng nasabing carta di soggiorno. Tinatayang aabot ng halos animnapung araw (60 days) ang pagitan mula sa booking hanggang araw mismo ng pagsusulit.
Ang prefecture ay inaayos pa rin ang mga kasunduan sa mga ‘public schools’ o CTP (Centro Territoriale Permanente) kung saan gagawin ang mga pagsusulit. Sa unang bahagi ng implementasyon ng panukala ay malamang na lumampas ang animnapung araw ng paghihintay. Kung kaya’t sa sino mang mag-aaplay ng carta di soggiorno at may kumpleto na requirements tulad ng limang taon na regular na paninirahan sa Italya at isang sapat na kita upang mapanatili, MAGMADALI: samantalahin ang nalalabing mga araw bago sumapit ang Dec 9!