in

Pagbabago para sa mga employers ng colf at care givers, bukas na!

Mga bagong pamamaraan ng komunikasyon at pagbabayad ng kontribusyon. Mga indikasyon mula sa Assindatcolf

Roma, 31 March 2011 – Inihayag ilang araw na ang nakaraan, ang mga pagbabago mula bukas para sa mga employers ng mga colf. Partikular, ang hindi nà pag-susumite sa pamamagitan ng mail o sa counter ng ​​iba’t ibang obligadong komunikasyon na may kinalaman sa ugnayan ng emploeyr at ng manggagawa, pati na rin ang lumang postal bulletins para sa mga pagbabayad ng kontribusyon.

Narito ang isang buod ng mga bagong alituntunin na inihanda ng ASSINDATCOLF, Samahan ng mga employer para sa mga colf:

1)      OBLIGADONG KOMUNIKASYON:

LUMANG PAMAMARAAN HANGGANG 31.3.2011

BAGONG PAMAMARAAN MULA 1.4.2011

Maaaring ipadala ang komunikasyon sa pamamagitan ng koreo o pagdadala sa mga counter ng Inps ng iba’t ibang forms tulad ng SC38 COLD ASS e SC39 COLD VAR**

Maaari lamang ipadala sa pamamagitan ng:

– WEBSITE ng  Inps na kinakailangan ang PIN

– TOLL NUMBER 803.164 na kinakailangan ang PIN

– Intermediary (Es.: Assindatcolf)

* Ang kawalan o ang huling pagpapadala ng obligadong komunikasyon sa panahong binibigay ng batas ay may kaukulang multa mula 100 hanggang 500 euro bawat manggagawa

** Ang una ay komunikasyon ng ‘hiring’ ang pangalawa ay sa mga kaukulang pagbabago, pagpapahaba o pagputol ng trabaho

Sa bagong pamamaraan, ang mga mamamayang makikipag-ugnayansa INPS ay hihingan ng isang espesyal na PIN na makukuha sa website ng Inps (servizi on line sa bahagi ng al servizio al cittadino).

Para sa panahon ng pagpapalit ng pamamaraan (hanggang 30 Set 2011), ang mga employer ay maaaring makipag-ugnayan sa toll number at gawin ang obligadong komunikasyon nang walang hihinging PIN.

2)    PAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON SA INPS:

LUMANG PAMAMARAAN HANGGANG 31.3.2011

BAGONG PAMAMARAAN MULA 1.4.2011

Maaaring bayaran ang paying slip (bollettino postale) sa mga post offices o ibang paraan tulad ng ‘Reti amiche’

Maaari lamang bayaran sa pamamagitan ng:

– Circuit “Reti amiche”*

– WEBSITE ng Inps na kinakailangan ang PIN at credit card

– TOLL FREE NUMBER 803.164 na kinalailangan ang PIN at credit card

– MAV Paying Slip

*Ang mga Pagbabayad sa pamamagitan ng tobacco shops, Unicredit Spa (cash kung hindi kliente ng bangko), website ng Unicredit Spa (sa mga may bank account on line)

 
Sa unang bahagi ng bagong sistema ng INPS ay magpadala (sa Marso at sa Setyembre) sa lahat ng mga employer ng ​​MAV (pagbabayad sa pamamagitan ng abiso) para sa 2011. Nagbabala ang ASSINDATCOLF na maaaring hindi tugma sa eksaktong kontribusyon ang matatagpuan sa mga paying slip (o bollettino) dahil sa mga araw na lumiban, o pagtaas ng bayarin, atbp., ipinapayo ang pagami ng iba pang alternatibong pamamaraan ng pagbabayad.
Panghuli, para sa mga pagbabayad sa susunod na 10 Apr maaari pa ring gamitin – sa mga natatanging kaso ang lumang paying slip bulletins.
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

C.M. 29 & 4 – POSISYON NG EMBAHADA, NILINAW!

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA ALLERGIC RHINITIS