Narito ang pagbabago hatid ng legislastive decree 40/2014 . Ang Circular ng Ministry ng Interior.
Roma – Abril 9, 2014 – Higit na impormasyon para sa mga dayuhang mamamayan ukol sa kanilang karapatan para sa permit to stay, ang salitang “perm. Unico per lavoro” sa mga dokumento na magpapahintulot upang makapag-trabaho, awtorisasyon para sa trabaho (o nulla osta al lavoro) na ibibigay sa loob ng 60 araw at aplikasyon para sa direct hire (flussi d’ingresso non stagionali) na susuriin lamang kung mayroon pang nalalabing bilang.
Ito ang mga pagbabagong nilalaman ng legislative decree 40/2014, na simulan noong nakaraang linggo, bilang pagpapatupad sa EU directive 011/98 ukol sa permesso unico. Ang Ministry of Interior ay ipinaalam ito sa mga Sportelli Unici per l’Immigrazione sa pamamagitan ng isang circular.
Gayunpaman, para sa direct hire, nilinaw ng Viminale na “ang mga aplikasyon, sa araw ng click day, na lalabis sa bilang ng itinakdang quota ng decreto flussi, ay susuriin lamang kung, matapos suriin ang mga naunang aplikasyon, ay may kakulangan pa sa bilang na batay naman sa paghahati-hati ng Ministry of Labor hinggil sa tunay na pangangailangan ng labor market.
Ang pagsusuri sa mga sobrang aplikasyon “ay sisimulan sa pagkakataong ang regional labor office ay maglabas online ng isang komunikasyon ukol sa availability ng quota. Ang online system ng Ministry of Interior ay magpapahintulot sa mga employer na malaman sa takdang panahon ang posisyon ng kanilang aplikasyon batay sa bilang o quota na ipinagkaloob ng probinsyang kinabibilangan, upang pahintulutan ang pakikipag-ugnayan sa Ministry of Labour at Welfare”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]