Bago isumite ngmgaemployerang applicationparasaregularizationmula Setyembre15hanggangOktubre15, ay kinakailangang bayaran ang kontribusyon ng 1,000 euros. Sa kasong negatibo o tinanggihan ang aplikasyon, ang binayarang halaga ay hindi refundable o hindi na ibabalik pang muli sa employer. Narito ang form at ang instruction kung paano ito ipi-fill up.
Roma, Setyembre 10, 2012 – Ang mga employer ay maaaring ipadala ang aplikasyon ng regularization mula Sept 15 hanggang Oct 15 kung nabayaran na ang kontribusyon ng worker.
Ang pagbabayad aydapatgawingamitang"F24 versamenti con elementi identificativi" samga collection agency (tulad ng Equitalia), accredited banks atmga post office. Para sa pagpi-fill up nito, kailangang sundin ang mga tagubilin mula sa Agenzia dell’Entrate.
Partikular, saseksyon ng "CONTRIBUENTE" ay dapat ilagay ang mga personal datasatfiscal code (codice fiscal) ng employer na magbabayad ng kontribusyon. Samantala, sa seksyon naman ng “ERARIO ED ALTRO” ay kailangang sagutan ang bawat patlang para sa bawat manggagawa na nais gawing regular.
Samantala sa seksyon ng "tipo" ayisulta ang letter R, saseksyon naman ng "elementi identificativi" ay ang numero ngpasaporteong katumbasnadokumentongmanggagawa(kung mayroong higitna17 numero, kinakailanganisulat lamang ang unang17). Ang seksyon ng "codice", angmgaemployerngmgadomesticworkersaydapatisulat angREDO,ang mga employer ng ibang uri ng subordinate job naman ay dapat isulat ang RESU. Sa seksyon ng ‘anno di riferimento’ ay kailangang ilagay ang 2012, samantala sa seksyon ng ‘Importo a debito versati’ ay 1000,00.
Ipinapayo naman na kung sakaling tanggihan o hindi tanggapin ang aplikasyon ng regularization, ang halagang ibinayad ay hindi refundable o hindi na maibabalik pa sa employer. Bago magbayad, mainam na suriin munang mabuti ng employer kung sya at ang worker ay qualify upang gawin ang regularization.
Downloadable files
Modello f24 Versamenti con elementi identificativi
Avvertenze per la compilazione
Fac simile datore di lavoro domestico (colf, badanti, babysitter…)
Fac simile datore di lavoro non domestico