in

Pagdinig sa mga eksperto at asosasyon ukol sa reporma sa citizenship, nakatakda sa Marso

Nais ng mga senador ng higit na pagsusuri ukol sa mga ‘kritikal na aspeto’ ng bagong regulasyon na magpapahintulot sa mga anak ng mga imigrante na maging ganap na Italyano. Ito ay matapos maaprubahan ang mga susog.

 

Roma, Pebrero 22, 2016 – Kinasasabikan ang muling pagtalakay sa reporma ng citizenship sa Senado.

Nagtapos noong Pebrero 3 ang general discussion sa Constitutional Affairs Committee ukol sa tekstong inaprubahan sa House na nakalaan sa mga anak ng mga imigrante. Ito ay nagtataglay ng prinsipyo ng ‘ius soli temperato’ (o Italyano agad ang mga may magulang na carta di soggiorno holders) at ‘ius culturae’ (magiging Italyano ang darating sa Italya bago ang ika-12 taong gulang at nagtapos ng isang ‘ciclo scolastico’).

Bago sumapit sa presentation at votation ng mga susog, ang mga senators ay nag-desisyong magpatuloy sa mga serye ng pagdinig sa mga eksperto at asosasyon. Ang mga nabanggit, sa paliwanag ni Doris Lo Moro (PD), “ay nararapat na pag-ukulan ang mga itinuturing na ‘kritikal na aspeto nito’, dahil sa Chamber of Deputies, ay nagkaroon na ng malawakang pagsisiyasat.”

Sino ang tatawagin sa pagdinig? Bawat politiko ay mayroong panahon hanggang noong nakaraang Biyernes sa pagsusumite ng mga proposal na susuriin ng tanggapan ng presidency. Marahil ang mga pagdinig ay gaganapin sa isang buong araw lamang, ngunit hindi magaganap ngayong linggo, dahil ang kaledaryo ng komisyon ay nagawa na at walang ispasyo para sa reporma ng citizenship.

Samakatwid, inaasahan sa Marso ang pagkakataon ng mga senador na linawin ang mga regulasyon upang maging ganap na Italyano ang mga anak ng mga imigrante. Dahil dito muling nagtagal ang paghihintay sa mga bagong panuntunan na magbabago marahil sa buhay ng maraming kabataan sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Free t-shirt printing, ginawa ng Duterte Volunteer Group sa Roma

Higit sa 5 milyon ang mga dayuhang residente at 130,000 naman ang mga New Italians sa 1 taon