Ipinagpaliban sa 2014 ang posibilidad sa pag-i-isyu ng mga affidavits (o self certification) maging para sa mga permit to stay at ibang dokumentasyon ukol sa migrasyon.
Rome – 10 Hulyo 2013 – Ang pamahalaan ng Italya ay hindi pa magawang paiwasan sa mga imigrante ang mahabang pila sa mga public offices para sa iba’t-ibang sertipiko. Ang isang bagay na naibigay sa mga Italians ay tila mahirap maibigay sa mga imigrante. Kahit ang intensyon ay tila maganda.
Muli nating balikan una-una ang mga petsa…. Mula noong Enero 2012, higit sa isang taon at kalahati na ang nakalipas, ang mga publikong tanggapan ay hindi maaaring mangailangan at magbigay ng mga certificate na gagamitin rin sa mga tanggapang may koneksyon sa Public Administration, na nagtataglay na ng mga datos at impormasyon buhat sa ibang tanggapang publiko. Kailangang tanggapin ng mga tanggapang ito ang tinatawag na ‘autocertificazione’ o affidavit sa mga pagkakataong maaaring masuri at mapatunayan ang deklarasyong ipinahayag ng imigrante sa pamamgitan ng tinataglay ng datos ng ibang tanggapang publiko.
Ang pangkalahatang panuntunang ito, gayunpaman, ay hindi angkop sa mga "partikular na mga probisyon sa batas at regulasyon na namamahala sa imigrasyon at sa katayuan ng mga dayuhan".
Ito ay nangangahulugan, halimbawa, na ang isang banyagang mag-aaral ay hindi maaaring gumawa ng self declaration na nakapasa sa pagsusulit upang ma-renew ang permit to stay para sa pag-aaral bagkus ay kailangang ipakita sa Questura ang sertipikasyon buhat sa unibersidad. Gayun din ang isang imigrante na nawalan ng trabaho at nag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ay kailangang nagtataglay ng certificato di iscrizione sa Centro per l’Impiego.
Noong nakaraang Spring 2012, sa pagiging batas ng Simplification ng pamahalaan ni Monti, ang Parliyamento ay tinanggal ang exemption para sa mga imigrante. Samakatwid, ay maaari sanang gumamit ng self certification maging sa mga permit to stay at ibang dokumentasyon ukol sa imigrasyon. Ang bagong patakaran ay ipatutupad sana noong Enero 2013, upang bigyan ng pagkakataon ang Public Administration ng sapat na panahon upang gawin ang koneksyon ng mga data base (hal. Unibersidad at mga Employment center o Centro per l’Impiego sa Questura at mga Prefect).
Ngayon ay Hulyo 2013 na. Ano ang mga nagbago? Wala. Dahil ang mga database ay wala pa ring mga koneksyon, at noong nakaraang Disyembre sa batas ng Stabilità ay ipinagpaliban ang petsang Enero sa Hunyo 2013. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas, maging sa pagkakataong ito ay hindi pa rin maaaring ipatupad tulad ng nasasaad sa isang Circular ng Ministry of Interior, ay ipagpapaliban pa ulit ito ng anim na buwan o sa Disyembre 2013.
Iilan na lamang ang naniniwalang ipatutupad ang patakarang ito upang tuluyang maiwasan ang mahahabang pila sa mga tanggapang publiko. Abangan hanggang sa Enero 2014.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]