Ipagpapaliban muli ng 6 na buwan ang paggamit ng mga “dichiarazioni sostitutive” para sa mga permit to stay at ilang dokumentasyon ng mga imigrante. Ito ang naging susog sa ‘Budget bill’.
Roma, Dec 17, 2012 – Ang simplification o ang ‘pagpapagaan’ para sa mga imigrante ay muling ipinagpaliban. Hanggang sa unang anim na buwan ng 2013, ang mga imigrante ay dapat pa ring ilakip ang mga original certificates sa renewal ng mga permit to stay o sa ibang dokumentasyon, at hindi pa gagamit ng self certification tulad ng ginagawa ng mga Italians at ng mga EU nationals para sa lahat ng mga informations at datas na tinataglay na ng Public Administration.
Simula noong nakaraang taon ay ipinatutupad ang batas na nagbabawal sa mga public offices ang hingin o ang ipagkaloob ang mga certificates na gagamitin sa anumang tanggapan ng Public Administration, na ang mga information at datas ng mga certificates na ito ay tinataglay na sa ibang public office. Ito ay nagbigay halaga sa tinatawag na “dichiarazioni sostitutive” o mas kilala bilang “autocertificazione” o “self-certification”.
Ngunit ito ay isang pagkakataong hindi maaaring gamitin sa mga “partikular na regulasyon na tinataglay ng batas at sa mga tumutukoy sa pamamaraan ng imigrasyon at maging sa kundisyon ng dayuhan”. Nangangahulugan na ang mga walang trabaho na mag-aaplay ng renewal ng permit to stay ay dapat pa ring ilakip ang “certificato di iscrizione al collocamento” o ang pagpapatala sa employment agency at para sa mga mag-aaral naman ay ang “university enrollment slip” upang ma-renew ang nasabing permit to stay.
Noong nakaraang Spring, sa pagpapatupad ng Simplification law, ang Parliament ay nagpasyang tanggalin ang exemption na ito sa mga imigrante simula Jan 1 2013, upang mabigyan ng panahon ang Ministry of Interior at ang Public Administration na makapaglipat ng mga information at datas sa mga Questure at Prefecture. Ngunit tila ang paglilipat ng mga datas ang pangunahing sagabal upang ipatupad ang simplification maging sa mga imigrante.
Tila kinapos sa panahon at ang susog sa ‘Budget bill’ na ipinirisinta ng Budget committee sa Senado ay ipinagpapaliban ang paggamit ng mga non-EU nationals sa self-certification.