in

Paghihigpit sa Italian Citizenship, nilalaman din ng Decreto Salvini

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Matapos ang pagbaba ng 65% ngayong  Agosto kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon ng pagdagsa ng mga imigrante sa bansa, ay ayaw magpa-awat ni Matteo Salvini at nakatutok naman ngayon sa repatriation,  limitasyon sa pagbibigay ng karapatan sa international protection (tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino) at paghihigpit sa regulasyon sa pagbibigay ng italian citizenship sa mga dayuhan.

Sa katunayan, ang mga nabanggit ang mga pangunahing puntos ng Decreto Immigrazione, na pinagtutuunan ng pansin ng Ministro ilang linggo na at inaasahang ihahain sa Council of Ministers sa susunod na Biyernes.

Walang duda na imigrasyon ang focus ni Matteo Salvini sa kanyang  unang 100 araw ng panunungkulan. Sa katunayan, ang Decreto Immigrazione ay isang probisyon na binubuo ng mga artikulo na lahat ay tumutukoy sa imigrasyon. Partikular, ang nilalaman nito ay ang buod ng kanyang palaging inaanunsyo mula pa sa kanyang pangangampanya.

Dahilan ng desisyon ni Salvini na dagdagan ang repatriation fund. Ang 3.5 milyon ay hahatiin sa 3 taon: 500,000 para sa taong 2018, 1.500.000 sa 2019 at 1.500,000 para sa 2020.

Ang gastusin ng bawat repatriation ay nagkakahalaga ng mula 4,000 hanggang 10,000 batay sa contry of origin. Ayon sa kalkulasyon, batay sa nabanggit na pondo hanggang 2020, maaaring mula 350 hanggang 875 ang mga dayuhang mapapatalsik mula sa Italya.

Kung isasaalang-alang ang halos 500,000 mga undocumented sa bansa, ang nabanggit na pondo ay hindi sasapat sa layunin ng ministro.

Bukod dito, isa sa tema ng dekreto ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng Italian citizenship. Sa teksto ng dekreto ay nasasaad ang mas mahigpit na regulasyon para sa mga dayuhang nagnanais na mag-aplay ng citizenship.

Hindi maaaring mag-aplay ang mayroong police report ukol sa public security, ang pagiging panganib sa sosyedad o pagkakaroon ng anumang hatol kahit pending case. Ang aplikante ay kailangang mayroong sapat na sahod katumbas ng halagang itinakda ng batas para sa exemption sa health expenses, batay sa artikulo 2, talata 15 ng batas Dec 28, 1995 n. 549 at dapat na nakakasunod sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis”.

Isa pang nilalaman ng dekreto ay ang pagpapawalang-bisa sa Italian citizenship ng dayuhan sa kaso ng paglabas ng pinal na hatol sa krimen ng terorismo.

Lahat ng mga nabanggit ay makukumpirma sa lalong madaling panahon, matapos itong ihain at aprubahan sa Council of Ministers.

 

Basahin din:

 Decreto Salvini, nalalapit na!

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Medical and Dental Mission, idinaos sa Parma

Balik Eskwela