in

Paglaban sa kahirapan buhat sa pamahalaan, kabilang ang mga imigrante

Ang Sostegno per l’Inclusione Attiva  ( SIA ) ay naglalaan, sa piling mga sitwasyon, ng tulong pinansyal , kung  residente sa Italya sa itinakdang panahon”. Brunetta (Pdl): “Isang maling aksyon, ito ay magiging daan ng pagdating sa bansa ng maraming undocumented”.

Rome – Setyembre 24, 2013 – Ito ay tinawag na Sostegno per l’Inclusione Attiva ( SIA ) , isang instrumento ng pamahalaan na naglalayong labanan ang kahirapan sa Italya at nakalaan maging sa mga imigrante.

Inilahad kamakailan sa Roma ni Minister of Labor at Social Welfare Enrico Giovannini at Deputy Minister Cecilia Guerra . “Mahirap magpatuloy sa ganitong sitwasyon, ang kasalukuyang  krisis ay hindi katulad sa nakaraan at hindi ito ang katapusan, kailangang nating paghandaan”, paliwanag ng Ministro, ngunit idinagdag na ito ay isang panukalang hindi ipatutupad agad sa halip ay sasailalim sa pagsusuri ng parlamento at bukas sa public debate.

Ang SIA ay isang tulong pinansyal na magpapahintulot sa pagbili ng mga pangunahing produkto at serbisyo,  na maituturing na ‘base’anumang antas ng pamumuhay. Ito ay nakalaan sa mga mahihirap at maaaring kalkulahin ang difference sa pagitan ng family economic situation, sa pamamagitan ng ISEE, at ang itinakdang halaga ng batas, upang ituring na nasa sitwasyon ng kahirapan o poverty level.

Ang pagiging mahirap, gayunpaman, ay hindi sapat upang matanggap ang tulong o ang SIA . Ang tulong pinansyal ay sa katunayan batay sa pangako, buhat sa beneficiaries, na maabot ang mga ‘kongkretong layuning panlipunang at sa trabaho’.

Paano? Halimbawa , ang paglahok sa mga formation at requalification courses, o ang pagsusumikap na mapag-aral ang mga anak. “Ito ay tumutukoy, higit sa lahat ang pahintulutan at hilingin sa tatanggap ng tulong, ang tamang pag-uugali ng isang mabuting mamamayan”, tulad ng mababasa sa report ng task force ng mga eksperto na pinangungunahan ni Cecilia Guerra na sumulat ng SIA.

Ang Sia , na inaasahang magkakahalaga sa estado ng 7 bilyon sa isang taon, ay ibibigay sa pamamagitan ng INPS, marahil sa anyo ng isang debit card. Maaaring ang mga munisipyo ang magpapatakbo at mangangalaga sa mga ‘mahihirap’ at magpapasimula ng “attivazione sociale” sa pakikipagtulungan ng centri per l’impiego, mga paaralan, Asl, tanggapang publiko, asosasyon ng mga bolontaryo at mga pribado”.

Ang mga imigrante ay kabilang sa posibleng benepisyaryo, na apektado rin ng krisis at maaaring higit na apektado kumpara sa mga Italians. “Ang pagtanggap ng benepisyo – paliwanag  sa report – ay maaaring batay sa taon ng pagiging residente sa Italya, na hindi hihigit sa dalawang taon. Sa transition period,   gayunpaman, ay maaaring higpitan ang access batay sa regulasyon ng minimal na pamantayan at ng batas ng Europa”, samakatwid ay kinakailangan ang pagkakaroon ng kilalang carta di soggiorno.

Ang pagbubukas sa mga imigrante, gayunpaman, ay hindi nais ni Renato Brunetta , head ng Pdl sa Chamber of Deputies .

" Ang ministro ay dapat malaman na ang pagkakamali ay pantao, at ang pagpupumilit ay diabolic. Ang ideya na magtalaga ng higit na pondo upang labanan ang kahirapan ay maganda at tama. Ito ay maaaring maging pagmamatigas kung ang mga karapatan , tulad ng sinasabi ng mga Ingles halimbawa, ay nakalaan rin para sa mga imigrante. Kami ay nangangamba – pagtatapos pa ng lider ng Pdl – na ang karagdagang tulong na ito, ay maging tulad ng isang magnet, na higit na maghihikayat sa pagpasok ng mga undocumented sa bansa”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unyon ng mga pediatricians: “Bawat bata ay dapat na pangalagaan ang kalusugan, italyano man o dayuhan

“Carta di soggiorno – kailangang i-release sa loob ng 90 days” TAR