“Maraming sektor mula sa konstruksiyon hanggang sa agrikultura, kung saan ang walang prinsipyong paggamit sa mga ilegal na dayuhang manggagawa ay malala”
Roma, Abril 16, 2012 – “Labanan ang lahat ng uri ng pananamantala sa mga taong walang proteksyon ng batas sa trabaho dahil mga ‘irregulars’. Ito ang mga salita ni Andrea Riccardi, ng Ministry of Integration.
“Maraming mga sektor – ayon sa ministro – mula sa konstruksiyon hanggang sa agrikultura, kung saan ang walang prinsipyong paggamit sa mga ilegal na dayuhang manggagawa ay malala. “Huwag ng banggitin – patuloy pa ni Riccardi – ang krimen sanhi ng mga Italyano at ng mga dayuhan, na nagre-recruit sa mga desperadong imigrante. Ito ay dapat labanan at parusahan. Kailangang – ayon pa sa Ministro – tukuyin ang mga transition norms, kahit pa maiksi, gaya ng laging nangyayari sa mga ganitong kaso”.
Sa ibang salita, para sa responsable sa Integration, ang bagong sistema ng parusa, “ay dapat ipataw nang hindi transience upang maiwasan ang mga di pagkakasunduan at conflict sa pagitan ng mga ‘mahihina at walang laban’. Isaalang-alang, halimbawa,
‘ang mga care givers’. Ang mga patakarang pinag-aaralan ay “kung hindi rin lamang kumpleto, ay malamang na magdulot lamang ng di pagkakasunduan, at sa halip, ay maging isang pananakot laban sa matanda o may kapansanan.” Dahil dito ay nangangailangan ng malalim na pang-unawa ng pamahalaan. Sapat na, sa aking kahilingan , ang tamang atensyon. Upang malampasan ang mga isyu at magkaroon ng isang makabuluhang epekto sa panahon ng kahirapan sa ekonomiya.”