in

Paglilinaw ukol sa self-certification para sa mga imigrante

Paglilinaw kung kailan kakailanganin ang mga orihinal na sertipiko, tulad ng angkop na tirahan (idoneità alloggiativa ). Circular buhat sa Ministry of Public Administration and Simplifications at Ministry of Interior noong Abril 17, 2012 bilang 3/2012.

altRoma – Abril 26, 2012 – Mula noong Enero 1, 2012 ay nagpalabas ng mahahalagang pamamaraan ukol sa self-certification sa mga public offices, mga patakaran na ipinatutupad rin sa mga non-EU nationals na naninirahan sa Italya.

Nakatagalang ang Public Administration ay dapat na nagtataglay rin ng mga certificates ng mga mamamayan na nagre-request ng mga ito sa kanilang tanggapan mismo. Samakatwid, ang mga mamamayan ay dapat may karapatang gumawa ng self-certification ng mga sertipikong ito lalong higit kung hinihingi ito ng public administration sa mga partikular na pagkakataon tulad ng enrollment sa mga paaralan o sa pagbubukas ng isang negosyo. Ang mga tanggapan na nagre-release ng mga certificates (munisipyo) batay sa bagong patakaran ay maaari pa ring mag-release ng residence, family composition, citizenship certificates) ngunit ang nakasulat sa bahaging itaas ng nasabing certificate “ang sertipikong ito ay hindi balido sa ibang sangay ng public administration o mga pribado na nagbibigay ng serbisyong publiko” (il presente certificato non può essere prodotto agli organi della pubblica amministrazione o ai privati gestori di pubblici servizi).

Maraming mga alinlangan ang lumabas ukol sa applicability o hindi ng mga bagong patakaran ukol sa imigrasyon, at dahil ang DPR.445/2000 din na batayan sa paggamit ng self-certification, ay nahahati ang applicability nito sa mga itinalang espesyal na batas at ng batas sa imigrasyon, at ang batas 286/98 ay napapaloob sa mga espesyal na batas.

Bilang resulta, sa mga pamamaraang may kaugnayan sa releasing o renewal ng permit to stay, halimbawa, o sa mga request ng family reunification ang mga bagong patakaran sa self-certification ay hindi pwedeng i-aplay.

Isang circular samakatwid ang naglilinaw ng paggamit at kalian applicable ang self-certification para sa isang imigrante .

Narito ang buod ng Circular.

Ano ang hindi maaaring gamitan ng self-certification ng mga non-EU nationals

Ang mga non-EU nationals ay hindi maaaring gamitan ng self-certification tuwing magsusumite ng aplikasyon ukol sa permit to stay at family reunification. Sa mga ganitong kaso, upang i-renew ang permit to stay para sa pag-aaral (studio), ay kailangan pa ring ilakip ang enrollment certificate at ang exam certificate, samantala ang family composition certificate naman sa pagre-request ng long term residence permit o carta di soggiorno.

Ang tanggapang publiko na magre-release ng naturang certificate ay dapat malinaw na isasaad ang mga salitang “ang sertipikong ito ay ipinagkakaloob batay sa patakaran ng imigrasyon”(certificato rilasciato per i procedimenti disciplinati dalle norme sull’immigrazione).

Ito ay may bisa lamang hanggang Disyembre 31, 2012 dahil simula sa 2013, sa lahat ay ipatutupad na ang patakaran ng self-certification na isinasaad sa DPR 445/2000.

Ang idoneità alloggiativa ay hindi kahit kailan maaaring gamitan ng self-certification.

Ang sertipiko ng angkop na tirahan na kinakailangan sa pag-aaplay ng family reunification o ng carta di soggiorno maging sa request nito para sa anak o asawa, ay hindi kahit kailan maaaring gamitan ng self-certification dahil ito ay katibayan ng teknikal na aspeto na ginawa sa pamamagitan ng tanggapan ng munisipyo at hindi ito isang sertipiko.

Sa citizenship?
 

Para sa lahat ng mga pamamaraan na may kaugnayan sa pagbibigay ng Italian citizenship ay ipinapatupad ang pangkalahatang tuntunin ukol sa self-certification dahil ang Citizenship Act (Batas 91/92) ay hindi maaaring ituring bilang espesyal na batas tulad ng nasasaad sa DPR 445/2000. Samakatwid ay maaaring gamitan ng self-certification ang mga dokumento tulad ng residence, family composition, pending criminal charges ng mga non-EU nationals at ang public administration na ang bahalang (prefecture at municipal office) kumuha o magberipika ng mga dokumento sa ibang tanggapang publiko.

Ito ay kasalukuyang ipinatutupad mula noong nakaraang Enero 1, 2012.
Ang mga sertipiko na hindi maaaring maberipika ng awtoridad ng Italya dahil ang mga kaganapan ay naganap sa ibang bansa tulad ng birth certificate, marriage, police clearance na hindi maaaring gawin ang self-certification ay kinakailangang ang angkop, translated at legalized na mga dokumentsayon buhat sa ibang bansa.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas, makikipagpulong sa US para sa Panatag Shoal standoff

Hoy gising Pinoy!