Simula ngayong araw na ito ay ipatutupad ang bagong buwis para sa ‘issuance at renewal’ ng mga permit to stay, isang regalo mula sa naunang gobyerno at sa kabila ng mga pahayag at mga pangako ng gobyerno ni Monti ay hindi pa nabibigyan ng kaukulang mga pagbabago. Ito ay babayaran sa pamamgitan ng isang postal bill sa account ng Ministry of Economy and Finance.
Rome – 30 Ene 2012 – Ngayong araw na ito ang simula ng bagong pabigat sa mga manggawang dayuhan, sa issuance at renewal ng mga permit to stay na magkakahalaga mula sa 80 hanggang 200 euros. Ito ay dahil sa isang dekretong pinirmahan noong nakaraang Oktubre ni Maroni at ni Tremonti, na sa kabila ng mga pangako, ang bagong gobyerno ay hindi pa rin nabibigyan ng mga pagbabago.
Ang halaga ng "buwis sa issuance at renewal ng permit to stay" ay nag-iiba depende sa validity ng permit to stay: 80 € kung ang validity ay mula sa tatlong buwan hanggang sa isang taon, € 100 kung ang validity ay higit sa isang taon at mas mababa o katumbas ng dalawang taon, at € 200 para sa kilalang "carta di soggiorno". Sa bayaring ito ay idadagdag ang kontribusyon ng € 27.50 bilang kabayaran sa e-permit to stay (o electronic permit to stay), at 30 € para sa serbisyo sa post office at ang selyo na nagkakahalaga ng € 14.62.
Ang bagong buwis at ang kabayaran sa e-permit ay babayaran sa iisang postal bill sa account number 67422402 sa Ministero dell’economia e delle finanze – Dipartimento del Tesoro. Halimbawa, sa mga magre-renew ng permit to stay na may validity ng dalawang taon, ay kailangang magbayad ng isang postal bill na nagkakahalaga ng 127.50 (EUR 100 + 27.50).
Ang bagong buwis ay hindi naman ipinapataw sa mga permit to stay ng mga menor de edad, kabilang ang mga dumating sa pamamagitan ng petisyon (o ricongiungimento familiare). Hindi rin magbabayad ng buwis ang mga dayuhang pumasok sa bansa upang sumailalim sa pagpapagamot at ang kanilang mga tagapag-alaga, ang mga humihiling ng political asylum o humanitarian. Hindi rin sakop ng buwis ang anumang kahilingan ng updates (aggiornamento) o conversion ng mga balidong permit to stay.
Saan gagamitin ng gobyerno ang buwis na ito? Kalahati nito ay upang pondohan ang "Fondo Rimpatri” (o pagpapabalik sa sariling bayan), bilang bahagi ng mga regular na migrante sa pagpapatalsik sa mga iligal na dayuhang pumasok sa bansa at ang kalahati naman nito ay mapupunta sa Ministri ng Interior para sa mga gastusin ng pampublikong kaayusan at kaligtasan, upang pondohan ang mga sportello unico at sa pagpapatupad ng Integration agreement.