in

Pagpasok sa mga museo, libre na rin maging sa anak ng mga imigrante

Ang Ministry of Cultural Heritage ay tinanggal ang batas  na nagsasaad ng pagbabayad ng ‘ticket’ ng mga dayuhang bata, di katulad ng mga batang italyano na pumapasok ng libre. Bray: “Hindi dapat at labag sa kumbensyon ng karapatan ng mga bata”. 

Rome – Mayo 28, 2013 – Isang maganda bagaman di-gasinong mahalagang balita. Simula ngayong araw na ito, sa mga ticket booth ay magiging patas o pantay ang turing sa mga batang dayuhan  at mga  italyano. At libre nilang matutuklasan ang yaman ng kultura at kasaysayan ng ‘kanilang’ bansa.
 
Tatlong taon na ang nakakalipas, ang kaso ng 3 mag-aaral ng Vicenza High School, sa isang fieldtrip sa Firenze, di katulad ng kanilang mga kaklase, ay kinailangang magbayad upang makapasok sa museo. Sa dokumento ng 3 mag-aaral ay nasasaad na sila ay pawang mga Serbian, tulad ng kanilang mga magulang. Ito ang regulasyon ng tanggapan ng mga museo (tulad ng Egyptian museum sa Turin at iba pa) na nagpapahintulot ng libreng pagpasok sa mga batang italyano o Europeo. 

Sa pamamagitan ng isang ministerial decree ay naging patas ang turing sa mga batang Italians, Romanians o Polish ngunit tila nalimutan ang mga non-Europeans na hanggang sa kasalukuyan ay nagbabayad ng ticket. Isang patakaran na apektado hindi lamang ang mga anak ng mga turista bagkus lalong higit ang mga ipinanganak at lumaki sa Italya o ang mga tinatawag na ikalawang henerasyon na itinuturing ng batas hanggang ngayon bilang mga ‘dayuhan’. 
 
Sa kabilang panig ng Europa tulad ng Louvre sa Paris, Prado ng Madrid o ang Van Gogh Museum sa Amsterdam, ang ‘lahat’ ng minors ay hindi pinagbabayad maging ano man ang nasyunalidad. At sa wakas, maging sa Italya ay umabot na rin ang patakarang ito.  
 
“Ang Minister for Cultural heritage and Tourism, Massimo Bray, ay nagdesisyong tanggalin ang nasabing batas at payagan ang pagpasok ng libre ng mga batang dayuhan sa mga museo sa buong bansa maging non-Europeans man”, paliwanag sa isang release ng Ministry at ipina-alalang “ang limitasyon sa pagpapapasok ng libre sa mga Europeans, tulad ng nasasaad sa ministerial decree n. 507 ng 1997, ay nagging sanhi ng maraming di-inaasahan at kahiya-hiyang mga pangyayari”.  
 
Mga sitwasyon, tulad ng paglalarawan ni Bray na “di matatanggap sa isang bansa na naghahangad ng integrasyon sa pagitan ng mga komunidad na kinikilalang pangunahing yaman ng kultura”. Ang batas na ito “ay labag sa mga prinsipyo ng Kumbensyon ng mga karapatan ng mga Bata na niratipika sa New York noong Nov 20, 1989”. 
 
Kinakailangan bang palitan ang batas? Marahil ay oo, ngunit “sa paghihintay ng kaukulang pagbabago sa pagpapatutpad ng kasalukuyang batas at obligasyong internasyunal, ang Minister ay nagpa-abot ng komunikasyon ukol dito na nagpapahintulot sa libreng pagpasok ng lahat ng mga bata sa lahat ng public museum, Italian, EU nationals at non-EU nationals.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Psy, nakatanggap ng booo sa Olympic Stadium

38 nanalong party-list group, iprinoklama na ng Comelec