Colf 2014 – nalalapit na ang itinalagang increase sa renewal ng contratto collettivo, kung saan idadagdag din ang increase dahil sa cost of living. Sa mga susunod na araw ay ilalathala ang bagong minimum wage.
Rome – Enero 14, 2014 – Ang bagong taon ay maghahatid din ng karagdagang ‘increase’ para sa mga colf, caregivers at babysitters.
Salamat sa pagpapatupad ng bagong National Agreement for Domestic Job, na simulang ipinatutupad mula pa noong Hulyo, ngunit ipinagpaliban sa mga unang buwan ng Enero 2014 sa mga unang sahod ng bagong taon ang pagpapatupad nito “
"Isang karagdagang regalo sa kabila ng pagtanggi ng mga employer dahil sa krisis at hiniling na ipagpaliban ng ilang buwan ang pagbabayad ng mga pamilya," ayon kay Rita De Blasis sa Stranieriinitalia.it, ang leader ng unyong Federcolf .
Mula sa taong ito, halimbawa, ang monthly minimum wage ng mga naka-live in at nag-aalaga sa mga self-sufficient employers at pagiging colf din, na nabibilang sa kategorya livello BS tabella A, ay tataas ng 7 euros. Bukod pa sa 6 euros para sa taong 2015 at karagdagang 6 euros para sa taong 2016.
Kakalkulahin din proportionally ang increase para sa sinumang kabilang sa ibang kategorya at antas.
Hindi lamang 7 euros ang inaasahang magiging increase. Tulad ng nagaganap taun-taon, ang minimum wage, sa katunayan, ay ina-update batay sa pagtaas ng cost of living sa bansa.
Ang higit na karagdagang nabanggit ay gagawin sa pamamagitan ng isang komite na binubuo ng CGIL , CISL , UIL , Federcolf , FIDALDO at Domina na magtitipon sa Ministry of labor. Samakatwid, ang mga unyon at mga asosasyon ng mga employers na pumirma sa national agreement. Matapos ang nasabing pagtitipon ay ilalathala ang isang talahanayan kung saan maaaring sumangguni sa pagbibigay ng sahod ng mga colf, babysitters at caregivers para sa buwang ito.
Noong nakaraang taon, ang komite ay nagtipon ng buwan ng Pebrero, ngunit sa taong ito, ayon pa kay De Blasis, ay hindi dapat hintayin ang buwan ng Pebrero. “Nag-follow up na kami sa Ministry of Labor para sa meeting na ito at inaasahan ang aming pagtitipon sa mga susunod na araw. Bago sumapit ang buwan ng Pebrero – pagtitiyak ni De Blasis – ang mga pamilya at mga manggagawa ay malalaman ang bagong halaga ng minimum wage”.
Basahin ito sa wikang italyano.