in

Pagtaas sa presyo ng mga bahay, sa paglaki ng popolasyon ng mga imigrante

Ito ang lumabas mula sa isang pag-aaral ng isang grupo ng mga economists at iminungkahi bilang isa sa mga temang pag-uusapan na inilabas ng Banca d’Italia.

altRoma, Mayo 14, 2012 – Ang pagtaas ng 10 %  ng populasyon ng mga dayuhan sa isang lugar ay nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng bahay ng average na 1, 6 % sa mga pangunahing lungsod sa Italya.

Ito ang lumabas mula sa isang pag-aaral ng isang grupo ng mga economists at iminungkahi bilang isa sa mga tatalakaying tema na inilabas ng Banca d’Italia. Ang pag-aaral – “Don’t stand so close to me” (mula sa isang sikat na awitin ng Police) – ay tinutukan ang mga presyo ng mga bahay sa 20 lungsod sa taong 2003-2010, kung saan one-third ng populasyon ay mga imigrante.

Ang analysis ay nagpahayag kung paano, sa kaso ng pagdami ng presensya ng mga dayuhan– ay hindi nagbabago ang presyo sa mga lugar kung saan marami o puro mga dayuhan at higit na tumataas sa ibang bahagi ng lungsod. Ang estimasyon ay nagpapahiwatig na sa bawat 10 imigrante na dumarating sa isang lugar, 6 na local residents ay lumilipat sa ibang lugar, at ito (ang huli) ay tinatawag na ‘coherent’ tulad ng nangyayari sa US. Sa loob ng siyudad gayunpaman, tulad ng mababasa sa report, ang mga imigrante ay may posibilidad na manatili at magsama-sama sa iilang lugar lamang, kung saan ang dami ng mga imigrante ay maaaring sampung beses na mas mataas kaysa isa ibang lugar.

Ang mga may-akda ng pag-aaral ay ipinakikita na ang migration ay mas malakas lalong higit sa mga urban zone kung saan ang bilang ng mga dayuhan ay higit na mataas kumpara sa national average: ang ganitong sitwasyon ay higit na mataas ng 2.8 sa New York, tatlong beses sa London at 1,8 naman sa Paris.

Samantala sa Italya, ang report ay 2,2 sa Milano at 1,6 naman sa Roma. Ang higit na pangangailangan para sa bahay na kaugnay ng pagdami ng mga imigrante sa isang lugar ay humahantong sa isang pagtaas ng mga presyo ng bahay sa buong lungsod. Kung, bilang resulta ng immigration, ang local residents ay tumatanggap ng pagbaba ng kalidad ng buhay, halimbawa, maaaring magkaroon ng pagbaba sa kwalidad ng mga serbisyo (tulad ng pagkakaroon ng mas higit na comuters, mas puno ang mga public transportation),  samakatwid ang pagtaas sa presyo sa mga lugar kung saan ang mga imigrante ay matatagpuan ay mas mababa kaysa sa national average at kasabay ang kanilang paglipat sa ibang lugar. Bilang resulta – pagtatapos pa ng pag-aaral – ay kabaligtaran kung ang presensya ng mga dayuhan ay may positibong epekto sa kalidad ng buhay (tulad ng higit na malawak na serbisyo at mga kalakal).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Meron bang nakukulong sa PILIPINAS bunga ng hindi pagbabayad ng utang?

“Kadalasan ay hindi tayo handa sa imigrasyon” – Monti