in

Pagtanggi ni Grillo: “Mali ang pagtatanggal sa reato di clandestinità”

“Isang pagkakamali: sa pamamaraan at sa layunin” – isang mensahe o post ng lider ng M5S. “Kung ito ang aming naging layunin sa pangangampanya, mas mababa pa sa 1% ang aming nakuhang boto. Ito ay isang pag-anyaya sa pagdaong sa Italya”.

Rome – 10 Okt 2013 – Beppe Grillo at Gianroberto Casaleggio ay mabilis na tinanggihan ang susog ukol sa pagtatanggal sa ‘reato di clandestinità na pumasa kahapon sa pagsusuri ng Justice Committee ng Senado. Isang susog na isinulong nina Andrea Cioffi at Maurio Buccarella, mga senador buhat sa M5S.

“Ang kanilang naging posisyon – tulad ng mababasa sa isinulat ng lider at utak ng www.beppegrillo.it M5S – ay personal na posisyon. Isang bagay na hindi pinag-usapan o napag-kasunduan sa Assembly ng lahat ng mga senador ng M5S, hindi bahagi ng kasalukuyang programa, na sinang-ayunan ng higit sa walong milyon at kalahating botante, at hindi kahit kailan sumailalim sa anumang pormal na internal verification. Hindi kami sang-ayon sa pamamaraan, sa nilalaman at sa layunin.

“Sa pamamaraan – paliwanag nina Grilllo at Casaleggio – dahil ang isang tagapagsalita ay hindi maaaring gumawa ng anumang desisyon ukol sa isang mainit na tema sa lipunan nang walang pagkonsulta kaninuman. Ang M5S ay hindi nabuo upang lumikha ng Dr. Stranamore sa Parliaymento. Kung sa panahon ng kampanya ay aming ipinanukala ang pagtatanggal ng krimen sa ilegal na imigrasyon, na mayroon ang maraming bansa tulad ng France, Great Britain at US, ang M5S ay maaaring nakakuha ng boto na tila area code sa pagtawag sa telepono. Hindi para sa atin ang palitan ang public opinion, ang nais ng madla ng mga pangkaraniwang gawain ng partido na nagnanais na "turuan" ang mamamayan. Ang M5S at mga mamamayan na bahagi nito at bumoto sa kanila ay iisa lamang ang entidad.”

"Sa layunin – dagdag pa nila – ang susog na ito ay isang paanyaya upang ang mga migrante mula sa Africa at Gitnang Silangan ay sumakay sa barko patungong Italya. Ito ang mensaheng kanilang mabilis na mauunawaan “hindi na krimen ang pagiging iligal”. Ang Lampedusa ay tuluyang babagsak at mahihirapan ang Italya. Ilang iligal ang maaaring tanggapin ng bansa kung isang italyano sa bawat 8 ang walang sapat na mapagkukunan upang makakain?”.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Reato di clandestinità’ – simula ng tuluyang pagtatanggal

ISEE, isang deklarasyon sa bawat 6 ay di-makatotohanan